Ellaine's POV
Ellaine Zhala, Lexus sister. Ako ang pansamantalang humahawak sa Zhie Univ. na siyang paaralang pinapasukan ng kapatid ko at mga kabarkada niya.
Nandito ako ngayon sa office ko ant nirereview ang mga files ng mga estudyante, lalo na yung mga graduating, tutulungan kasi naman silang makahanap kaagad ng trabaho, para sa ganun, kahit na katatapos pa lamang nila, sigurado na ang kinabukasan nila.
KAkadampot ko pa lamang sa isang folder mula sa senior department nung nagbukas ang pinto.
Tanging ngiti na lang ang naging pagbati ko.
Matagal tagal na din nung huli ko siyang nakita, at ang panahon na yun, ay yung mismong araw na nakita kong nagisang dibdib sila ng lalaking inaakala kong magiging akin hanggang sa huli.
"Good morning Maam"
Muntik ko nang makalimutan na dito pala siya nagtratrabaho, pinaupo ko muna siya sandali at isinantabi ang papeles na dapat ay buksan ko.
Tiningnan ko siya at nginitian, wala naman akong galit na kinikimkim sa kanya, tanging inggit dahil nasa kanya ang lalaking pinapangarap kong makasama.
"Ikaw pala Mrs. Lasheras, anong kailangan mo?"
Ipinakita niya sa akin ang ilang papel ng mga estudyante niya na ilang beses na daw nadetention. Kailangan kasing maayos ang papel nila bago mag break. Dahil nais namin na walang kahit isa ang babagsak.
Sinabi ko naman sa kanya ang mga bagay na dapat niyang gawin saka siya tumayo at nagpaalam. Nasa may pintuan na siya nung naisipan kong tawagin siya.
"Bakit?" nakangiti niyang sagot.
Napangiti na din ako, hindi ako nagsisising sa kanya ko pinaubaya ang lalaking mahal ko.
"Wag kayong magalala, ginagawa ko ang lahat para masigurong, handa siya pagdating ng panahon"
Ngiti na lang ang sinagot niya sa akin saka tuluyang lumabas.
Napasandal naman ako sa upuan ko at bahagyang napapikit. Paano nga ba ako napapasok sa planong ito? Bukod sa tinuring ko na rin siyang kadugo, wala na akong ibang maisip pang dahilan bukod sa gusto ko siyang tulungan.
Pero sana, sana lang, matuloy ang plano niya.
Iminulat ko ang mga mata ko, saka ako napatingin sa isa sa mga drawer ko. Binuksan ko yun at may kinuhang isang papeles,
Dito ko ibinase ang lahat lahat tungkol sa kanya, para madali ang pagbabalik niya.
Nung binuklat ko yung folder na yun, Napatayo ako sa gulat at napahampas sa mesa.
Ilang beses ko pa yung inulit ulit na tingnan pero, sadyang wala na.
"Nasaan ang birth certificate niya?"
Bloom's POV
Akala ko, mas masakit kung ako yung iiyak at masasaktan, pero mas masakit palang makakita ng taong iiyak sa harapan mo dahil nasasaktan ka.
Hinaplos ko ang mukha niya habang mahimbing na natutulog sa kandungan ko. Napakaamo, napaka inosente, napakapamilyar.
Wala akong kahit na anong ideya kung bakit mas nasasaktan pa siya kaysa sa akin, gayung, ako itong nagmukhang kawawa at naloko.
Siya ang nagpamukha sa akin na hindi ko na dapat pagkatiwalaan pa si Lexus, pero, gusto ko siya, paanong hindi ako magtitiwala? Ni hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko kung bakit nakukuha ko pang umasa na may dahilan siya kung bakit nangyari iyon, ni ang naramdaman kong sakit at galit ay napaka konti lang, kaya paano ko siya magagawang igive up ng ganun na lang?
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...
