Lexus POV
"Oh tol, tama na yan. Kanina ka pang nagiinom dyan"
"Tama tol, di ba dapat kasama mo si Shay at inaayos niyo ang kas..."
BLAg!
LAlo lang umiinit ang ulo ko sa tuwing naaalala ko, na dapat kasama ko siya ngayon at masayang pinagpaplanuhan ang kasal namin.
Siguro nga, masama sa paningin ng iba ang ginagawa ko. Pero masisisi niyo ba ako kung gusto kong mabuo ang pamilyang matagal na palang naghihintay sa akin?
Pero bakit ganun? Bakit siya pa din ang iniisip niya habang inaasikaso niya ang para sa kasal namin?
NAdako ang pansin ko kina Gino at Liyle na naguusap. Alam kong naaapektuhan na din sila sa inaasal ko. Nandito kami sa bar na pag aari nina Renz, pero mukhang wala siya dito ngayon.
Sumandal ako at pumikit,naalala ko tuloy yung naging paguusap namin ni Von nung nakaraang araw.
*Flashback*
"Hindi ka ba nakokonsensya sa pinaplano mo?"
Nandito kami sa parking lot ni Von. Kakatapos lang namin sa graduation/class pic.
Sumandal ako sa kotse ko, namulsa, at napatingin sa langit.
"Tingin nyo ba talaga, mali ang ginagawa ko?"
"Yung totoo? OO, maling mali Lexus!"
"Mali bang gustuhin ko na mabuo ang pamilya ko"
Tiningnan ko si Von, na matiim palang nakatingin sa akin.
"Hindi yun ang issue Lexus, ang sa amin lang...alam mo naman na si Core talaga ang totoong ma-"
Crash!!!
Ewan ko kung bakit bigla akong nainis sa planong sabihin ni Von, kaya pati side mirror ko, nabasag.aixt.
"Kung init palagi ng ulo mo ang paiiralin mo, mukhang mas malaking problema ang kakaharapin mo"
NAikuyom ko ang kamao ko, na patuloy umaagos ang dugo.
"Alam mo Von, kahit na ilang beses yata akong magkasugat, masaktan, mukhang wala ng mas sasakit pa sa katotohanang,ang babaeng pinangarap kong iharap sa altar at ipagsigawan kong mahal ko, ay paulit ulit namang binubulong kung gaano niya kamahal ang taong yun".
*end*
"Ui Lexus"
"Ui"
"Ui"
Napamulat ako at napatingin sa nasa harapan ko, isang babae na hindi ko maalala ang bumungad sa akin.
"Sa wakas, gumising ka din. Aba, ang hirap mo na nga hanapin, ang hirap pa gisingin"
Napakunot naman ang noo ko. Sino ba siya?
Magtatanong pa sana ako ng bigla kong narinig ang boses nina Alen at Wendy.
Napaatras naman ang babaeng nasa harapan ko.
"Yan, buti naman at may pakinabang sayo"
Nakatingin si Alen kay Liyle na ngingiti ngiti na nakahawak sa cellphone niya. Mukhang alam ko na kung bakit sila nandito.
"Bakit wala si Papa Von ko?"
Lilinga linga si Wendy sa paligid, mukhang umaasa na makita si Von. Pero ang totoo, pumunta muna siya sa New York dahil may gusto daw kumausap sa kanya tungkol sa kumpanya nila.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...