If you don't know where you stand in someone's life, then maybe it's time to stop standing and start walking
Lexus POV
Matagal na simula nung huli kong pinaalam ang nararamdaman ko, matagal na simula nung hinayaan kong malaman niyo ang side ko.
At ngayon, hindi ko alam kung bakit ginusto kong malaman niyo ang tungkol sa nararamdaman ko.
"Baka mabinat ka! Lexus, ano ba, wag kang makulit! LEXUS!"
Hindi ko na pinakinggan ang sinabi ni Fhin, hindi naman dahil sa may galit ako sa kanya, kung hindi dahil sa nirerespeto ko siya at dahil sa malaki na ang utang na loob ko sa kanya.
Pinili kong maglakad lakad at pumunta sa may bahaging timog ng lugar, sabi nila, dito daw yung mga bar, restau, at mga shops. Tiningnan ko sa relos ko kung anong oras na. mag aalasyete na pala ng gabi, yun siguro ang dahilan kung bakit ayaw akong payagan ni Fhin na lumabas, isa pa, kagagaling ko lang sa sakit.
Nung nagising nga ako, wala yung mga tukmol sa kwarto, haayyy, nakakamiss din pala ang barkada, pero, ako naman ang sumira nito, kaya, hindi ako dapat nagsisisi.
Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang hindi mapalingon sa kaliwang bahagi ng lugar, nanduon ang tinatawag na giant maze. ANg lugar kung saan, napagtanto kong, tama ang naging desisyon ko.
Bzzztttt.
Kinuha ko ang cellphone ko nung biglang nagvibrate, nakita ko naman agad ang text ni Fhin.
Sender: Fhin
Ayos na si Bloom, wala na siyang sakit.
Nung mabasa ko yun, hindi ko na napigilan ngumiti. Kung alam lang niya, gustong gusto kong tumakbo sa pwesto niya at yakapin siya, tanungin kung ano ang problema niya, pero hindi ko magawa. Sino ba ako para tanungin siya? Isa lang naman ako sa mga taong nanakit sa kanya.
Pero nung dumating si Renz, nainis ako. Dapat ako yun, dapat ako yung kayakap niya, pero ako ang dahilan ng lahat, ginusto ko ito, kaya hindi ako dapat nagkakaganito.
Napatigil ako sa paglalakad ng biglang may humarang sa dinadaanan kong tatlong lalaki, at mukhang, masama ang pakiramdam ko sa mga ito.
"Ikaw ba si Lexus?"
"Oo, bakit?"
"KAilangan mong sumama sa amin"
Ano bang...
Blag!
Bloom's POV
"Saan ka pupunta?"
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...
