Bloom's POV
Kapag nagmahal ka, humanda ka na daw magpakatanga. Kasi lahat ng nagmamahal, nagiging tanga.Napabuntong hininga ako, totoo kaya yun? Pero sa totoo lang hindi ko magets, ang naintindihan ko lang, mahal at tanga.
"Hoy Bloom"
Tiningnan ko lang si Cav na kunot noong nakatingin sa akin, problema nito?
Hindi ko nga siya pinansin, nilagay ko na lang yung kamay ko sa mesa at tumungo.Bakit feeling ko, tinatamad ako.
"Sure ka bang ok ka na Bloom? Ayos lang kung ipagpaalam muna kita"
Tumunghay ako at tiningnan siya, tapos nginitian.
"Ano ka ba Cav, ayos na ako, kita mong, ang lakas lakas ko na kaya ^_^" ngumiti na lang din siya tas tinuloy na yung naudlot niyang pagkain.
Nangalumbaba na lang ako at tiningnan yung ibang estudyante sa canteen.
Uonga pala, break ko ngayon, siguro nagtataka kayo kung bakit si Cav yung kasama ko. Si Core kasi, may praktis, pati yung boyfie kong si Lexus, thursday na kasi ngayon, at bukas na yung game nila. Si Bessy naman, may klase pa, inilipat daw kasi yung isang subject nila sa ganitong oras, kaya heto, si Cav yung kasama ko, 3 hours vacant daw siya eh, 2 hours naman yung sa akin.
"Bakit mukhang happy ka this past few days?"
"Uonga, pansin ko din na palaging maaga kang umaalis sa room kapag tapos na yung klase"
"Sabihin mo nga Fhin, sino yan?"
Ngumiti lang si Fhin sa kanila tapos, aksidenteng napatingin siya sa direksyon ko, kaya nginitian ko siya, nginitian niya din naman ako.
Siya na yung umiwas ng tingin at niyaya na yung mga kaklase niyang umalis.
Uonga pala, kung nagtataka kayo kung paano ko nakilala si Fhin, ganito yun
-Flashback-
"Ano ba Bessy, san ba kasi tayo pupunta?"
"Basta"
Tumigil na nga lang ako sa kakangawa at hinayaang kaladkarin niya, kakapasok ko pa lang pero parang hindi ako nanggaling sa sakit kung hatakin, haay.
"Siya yung nasa senior department di ba?"
"Oonga, totoo pala yung balita na maganda siya"
"Sayang nga lang at girlfriend na daw siya ni Lexus"
I stopped.
"Bakit?" tanong sa akin ni Bessy.
"AH wala ^_^"
AT first, tiningnan niya lang ako, pero di kalaunan, hinatak niya na uli ako.
Sa totoo lang, kaya ako napatigil dahil sa sinabi nilang girlfriend ako ni Lexus. Kainis naman kasi si Bessy, kung hindi ba naman pumunta sa bahay namin at sinabi yun, eh di sana.... hayyy..
"Nandito na tayo"
Tiningnan ko yung sinabi niya, it turns out na room pala nina Lexus.
"Bakit tayo nandito?"
"MAy ipapakilala ako sayo" sabay pasok niya sa loob
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...
