[A/n: Para po sayo ito, ang ganda po nung story mo partner , sorry kung now ko pa lang tatapusin ^_^"
Core's POV
Hindi ko alam kung bakit at para saan ang mga napapanaginipan ko nitong nakaraan.
Parang lahat sila nakakonekta sa iisang tao lamang,at hindi ko alam kung sino.
Pakiramdam ko, napakalaki ng papel niya sa buhay ko, yun nga lang, hindi ko alam kung ano ko siya.
"Ayos na kaya ito? ^_^" ngiting ngiting tanong ng isang magandang anghel sa tabi ko.
Ngumiti naman ako sa kanya.
"OO naman, kahit anong iguhit mo maganda, ikaw pa"
Mas lalong lumawak ang ngiti niya at nagpatuloy sa pagdo-drawing.
Napabuntong hininga na lang ako at muling sumandal sa upuan ko.
Naalala ko tuloy ang nangyari kanina.
*flashback*
"Babe, anong gusto mo, itong cake o ako?!" sabay pacute pa nung babae sa harapan ko.
"Gusto mo bang imassage kita?" sabay pisil ng isa pa sa balikat ko.
"Are you free this weekend?"
Hindi ko sila mga kilala pero ang alam ko, mga kaklase ko sila dito sa senior department.
Akala ko ba hindi pa nila alam ang course nila?
Bakit parang ngayon, nagtratrabaho na sila.
Working like a whore -_-
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis sa mga babae lately.
Parang may kung sinong nagsasabi sa akin na FLIRT WITH THEM AND I'LL WRECK YOUR EGG
"Class, sit down"
Mukhang ayaw pang umalis nung mga babae sa tabi ko, pero nung ako na ang nagsabi, nagngitian naman sila at nagflying kiss pa.
"Okay i'll teach you to-----"
Hindi ko na naintindihan ang sinasabi nung professor sa unahan dahil bigla na lang may tumapik sa balikat ko.
Pagtingin ko, yung magandang babae pala na nakita ko nung isang araw.
"Tss, ganyan ka ba talaga?" nakasimangot na tanong niya sa akin.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"What?"
"Lahat ba talaga ng babae kailangan kadikit sa katawan mo?"
Halos magtindigan na ang lahat ng balahibo ko sa katawan nung biglang tumalim ang tingin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...