Bloom's POV
Ahhhh!!!! Ang sakit ng ulo ko, pakiramdam ko, may kung sinong bumibiak dito tapos inuumpog pa, argh.Idagdag mo pa yung pakiramdam na parang sinisilaban ka, at ang bigat bigat ng katawan mo na parang may nakadagan sayo.
Teka? Nakadagan?
Napamulat ako at agad na napaupo sa pagkakahiga, pero ilang sandali lang, napahiga lang ulit ako, ang bigat talaga.
"Sorry, nagising ba kita?" tininingnan ko yung nagsalita sa tabi ko,si
Core pala, at hawak hawak niya ang kamay ko, siya siguro yung feeling kong nakadagan sa akin.
Umiling lang ako, nagsmile siya tapos tumayo na at binitiwan yung kamay ko.
Bakit feeling ko, parang nalungkot ako nung binitiwan niya yung kamay ko?
"I'll get you a soup" sabi niya tapos umalis.
Soup? ano yun? Sabon? Bakit? Mabaho na ba ako?
"Im glad at gising ka na" bungad sa akin ni Ate Ell na nakadungaw sa pintuan, nginitian ko naman siya bilang tugon.
Ewan ko ba, pero tinatamad akong magsalita.Lumapit siya sa akin tapos tumabi sa kama, hinawakan pa niya noo ko.
"Buti naman at bumaba na ang lagnat mo"
"Lagnat?" finally, i managed to speak, kahit na, medyo mahina.
"Yeah, ang taas ng lagnat mo kagabi, plus, kung anu ano pa mga sinasabi mo" hinawakan niya yung kamay ko at seryosong tumingin sa akin.
"Im really glad that your ok"
Maya maya lang, dumating na si Core dala yung soup na sinasabi niya, akala ko nga sabon eh, pagkain pala. Tinulungan din nila ako ni Ate Ell na kumain, feeling ko tuloy, baldado ako.
Pagkatapos kong kumain, tiningnan ko silang dalawa, may gusto kasi akong itanong.
"Nasaan po si Lexus?" hindi ako kaagad nakakuha ng kahit anong sagot sa kanila, si Ate Ell kasi lumungkot yung mukha, tapos si Core, napatingin sa kanan niya.
Ano bang nangyayari?
"AHm, naalala ko, may niluluto nga pala ako, check ko lang ha" sabi ni ate Ell bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.
Naiwan tuloy kami ni Core, na hanggang ngayon, hindi pa din natingin sa akin.
"ui, nasaan si Lexus?" paguulit ko.
"May praktis siya ngayon kaya maaga siya umalis" then he smile pagkatapos sabihin yun.
"Di ba kasali ka din? Bakit nandito ka?"
"Medyo masama kasi pakiramdam ko eh, sige, pahinga lang din ako" hindi pa man ako nakakasagot, nakalabas na siya ng kwarto, eehh?
ANg weird nila.
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog, basta ang alam ko, bago ako matulog, malamlam pa ang liwanag sa labas, pero ngayon, mukhang nagdidilim na.
Tumayo na ako sa kama, medyo ayos na kasi pakiramdam ko, plus, feeling ko mas magkakasakit ako kung hihiga lang ako ng hihiga.Dumiretso ako sa may kusina, medo nauuhaw kasi ako eh.
Pagkatapos ko uminom, tiningnan ko kung mey tao sa sala, pero wala. Nasaan kaya yung mga yun?
"Tss, bakit ba ang kulit mo? Sinabi ng hindi pwede"
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...
