Liyle's POV
Lalalalala, hahaha, feeling ko, mas lalo akong gumagwapo dahil kanina pa ako pangiti ngiti habang naglalakad, ahahaha.
Hindi pa din ako makagetover sa nakita ko sa locker room kanina eh haha, ibang klaseng Gino yun, pati yung bata papatulan? Buti pa ako, madaming magaganda at sexy ang humahabol hahaha.
Blag!
Toungenah!
Sinamaan ko ng tingin yung bumunggo sa akin, kitang naglalakad yung gwapong nilalang eh.
Pero nung napansin kong babae pala yung bumunggo sa akin, siyempre, umandar ang pag kagentleman kuno ko hahaha.
Lumapit ako sa kanya at inilahad ang kamay ko, aba, swerte niya at mahahawakan niya ako, kahit siya naman yung bumunggo.
"Miss" pagtawag ko sa pansin niya, nakayuko kasi siya eh, mukhang nasasarapan pa yatang tingnan yung mga langgam sa tabi niya
Tumikhim ako ng ilang ulit saka ko nakuha ang atensyon niya, hindi ko alam kung bakit pero, parang slow motion yung pagharap niya.
Dug!Dug!Dug!Dug!
Anak ng, kailan pa isinilang ang ganito kainosenteng nilalang? Well, bukod kay Bloom na secret wifey ko, ayaw ko namang agawin siya kay Lexus,tama na yung inilayo ko siya sa isdang yun tss
" Hindi kaya sila napapagod?"
Bumalik ako sa realidad at tiningnan siya na nakaupo pa rin sa lupa at nakatingin dun,tss, ayaw niya bang tingnan ang gwapo kong mukha?
"Ahm, Miss, baka gusto mo nang tumayo"
Tiningnan niya yung kamay ko, tapos yung mukha ko, tapos sa lupa ulit, saka siya tumayo magisa -_-
Ayaw niya talagang hawakan ang kamay ko (_ _)
Ahh siguro, ayaw niya lang madumihan ang malambot kong kamay hahaha, tama yun nga yun ^_^
Nakita ko siyang humakbang na palayo sa pwesto ko, pero yung hakbang na parang may sinasabayan, parang hakbang na tinatamad, parang ganun.
Naglakad ako palapit sa kanya at sinabayan siya maglakad, tss, hindi ba siya natutuwa at sinasabayan ko siya?
"Ano bang ginagawa mo?"
"Sinusundan sila"
Tiningnan ko din yung tinitingnan niya, at anak ng, yun ang mga langgam sa tabi niya kanina ah, tss, babaeng ito.
Tumigil ako sa paglalakad at pumunta sa harapan niya, dahil mukhang hindi siya aware na nandun ako, nauntog siya sa dib dib ko hahaha, hoohhh, swerte niya at nahawakan niya ang abs ko hahaha.
Tiningnan niya lang ako ng may halong pagtataka, magsasalita na sana siya nung biglan may tumawag sa kanya.
"Allen!"
Sabay kaming napatingin sa babaeng tumatakbo papunta sa direksyon namin, kung ang isang ito, mukhang inosente, yun naman, mukhang happy go lucky, sarap ngumite eh hahaha.
Tumakbo siya sa direksyon namin at hinatak yung tinawag niyang Allen. May binulong siya dun tapos, tumingin sa akin si Allen na nakakunot ang noo, teka, ano bang sinasabi nung babaeng yun?
" Tao kasi siya" yun yung narinig kong sinabi niya bago ulit siya binulungan nung babaeng yun, tss, ano ba kasing pinaguusapan nila?
"Hay naku, ewan ko sayo Allen, tara na nga sa garden, nandun si Jury at binabantayan si Bloom"
Nagpanting ang tenga ko nung marinig ko yung pangalan ni Bloom, wala naman siyang kapangalan di ba? Kaya posibleng siya yun
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...