Chapter 52: A guy named Clark

79 3 1
                                    

Bloom's POV

"Ano ka ba? Hindi naman ito malala, kaya wag ka ng magalala"

"Kahit yan ang sabihin mo, 1 week ka nang nakaconfined dito, kaya paanong hindi ako magaalala"

Haayy, tamo ito, kagigising lang ayaw pang umamin kung ano talaga ang sakit nya. Ang hirap kayang hulaan kung ano ba dapat na pag aalaga ang kailangan niya.

"Haha, tama na Shay, tamo, one of this days, lalabas na ako dito"

"Ewan ko sayo"

NAghalukipkip lang ako at tumalikod sa kanya. Kainis siya. Nasa akto na siya ng pagyakap sa akin nung bumukas ang isang pinto, at isang di pamilyar na mukha ang bumungad sa akin.

"Brad"

"Ui ikaw pala"

Isang lalaking matangkad, siguro mga kapantayan ni Core. Maputi, singkitin, at medyo may pagkabad boy ang aura, pero chix hahaha. Kailan kaya nagkakaibigan si Core ng ganitor napansin dahil dirediretso lang siya kay Core at nakipagusap na akala mo ang tagal ng hindi nagkikita, hmmmpp. ito namang si Core parang kinalimutan ng andito ako.

"Ehem"

Napalingon sa akin si Core na ngiting ngiting kausap yung lalaking yun, tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Ahm, brad, si Shay nga pala, girlfriend ko"

Girlfriend? Kelan pa naging kami? aba aba, di pa nga siya nanliligaw ulit eh.

"And SHay, this is, Clark, friend ko"

"Hi" nilahad ko yung kamay ko sa kanya, pero siya, parang gulat na gulat na nakatingin sa akin. Para pa ngang takot na takot na akala moy nakakita ng multo.

Bakit ha, mukha ba akong multo?

"Ui Clark, ayos ka lang?"

NAgiba naman kagad ang aura niya at ngumite, tapos tinanggap yung kamay ko. Naku, kung wala lang kami sa harapan ni Core nakatikim na ang isang ito sa akin.

"Ahm, Core, labas muna ako ha, mukhang may dapat kayong pagusapan"

Pagusapan niyo kung paano ba humarap ng kakakilala palang na tao...

"Sigurado ka?"

"Ahm, oo, diyan lang naman ako sa labas"

"Sige"

Tiningnan ko ulit yung Clark bago ako lumabas. Pero nakatungo lang siya at parang wala na talagang balak na lingunin ako. Hmmp, kala mo naman type ko siya. Tse, kung ayaw niya akong tingnan eh di wag.

Lexus POV

Kailangan makausap ko siya! Kailangan umamin na ako.... KAILANGANG SABIHIN KO NA ANG TOTOO!

Nandito ako sa ospital kung saan naconfined si Core. Sigurado akong nandito si Bloom.

Pasakay na sana ako sa elevator nung biglang may tumawag sa akin, at pagtingin ko, si Cav pala.

"Lexus"

"Cav"

"Bibisitahin mo si Core?"

"Huh? Ah,,kasi..."

"Mukhang si Sha-Bloom pala ang hanap mo ah"

Natahimik ako... Hanggang sa sumakay kami sa elevator.

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon