Someone's Pov
Nilalaro laro ko lang ang bolang paborito kong laruin nung pumasok na naman siya.Tulad nang unang beses kaming nagkita, talagang kakaiba siya.
Lumapit siya sa akin at parang nagaalangan pang magsalita, pero nginitian ko lang siya.
"May problema ba?"nauna na akong nagsalita, alam kong hindi siya iimik hanggang hindi ako yung nauuna.
"Ahm ano kasi, ngayon na, itong araw na kasi ito ang..."
hindi ko na siya pinatapos magsalita, oo, alam ko naman eh.
Itong araw na ang simula nung planong ginawa niya halos isang taon na ang nakakaraan.
Hindi ko nga akalain na mangyayari talaga.
"Tingin mo ba, magiging masaya siya pagkatapos nito?"
Yung kaninang takot sa mga mata niya, napalitan ng lungkot at awa.
Pareho naman kami ng nararamdaman eh, ang akin lang, ako malaki ang pinanghahawakan ko at malaki ang mawawala sa akin sa oras na dumating na yung panahon na yun.
Pero siya, isa lang naman ang pinanghahawakan niya sa kanila eh, ang kaso lang, yung kanila, nagsisimula pa lang.Yung akin, hindi niya alam na nagsisimula na.
Tumayo ako sa inuupuan ko dito sa opisina, at dumiretso sa harap ng bintana.
Sana nga, sana lang, sa oras na natapos ang palabas na ito, maging masaya siya.Humarap na ako sa nilalang na nasa silid ding ito.
"Tara na, mahalagang araw ito para sa kanya"
Bloom's POV
HAPPY BIRTHDAY TO MEEEEEEEE!!!!!
YIEEEEE BIRTHDAY KO DAW hahahah
Ang aga aga ko gumising tapos nag ayos kaagad ako, sinuot ko din yung isa sa magandang damit ko para madali akong makapagbihis mamaya.
Kumuha din ako ng gora na pang birthday, hiningi ko dun sa bata sa kabilang bahay, birthday niya kahapon eh hahaha.
Lumabas na ako kaagad ng kwarto ko at dumiretso sa kwarto ni Lexus, kung saan natutulog yung magkapatid, hahaha.
Pagpasok ko, si Core lang yung nakita kong nakahiga sa kama at nakabalot nang kumot.
Ang aga naman atang umalis ni Cav.
Dibale na nga, birthday ko naman eh, hahaha.Pasimple akong lumapit sa kama, yung tipong tiad ng tiad tapos ngiting ngiti, ahihihi, ganda ganda ng gising ng birthday girl hahaha.
Pagdating ko sa kama, hinanda ko na kaagad ang sarili ko sa plano ko, humanda kayo, dahil nandito na si BIRTHDAY GIRL..... WIIIEEEEEHHHH..
lumundag lundag ako sa kama sabay kanta ng
"HAPPY BIRTHDAY TO ME! HAPPY BIRTHDAY TO ME! HAPPY BIRTHDAY! HAPPY BIRTHDAY! HAPPY BIRTHDAY TO ME!" hahaha, ang sarap sarap kumanta.
Nakakatatlong ulit pa lang ako ng kanta ng bigla na lang may nagpatigil sa akin sa pagtalon talon ko sa kama.
Hinatak niya ako pahiga at, ang sunod ko na lang nalaman ay nasa ibabaw ko na siya at nakatingin sa akin ang mga bagong gising niyang mata.
Gulp!
"Alam kong masaya ka at birthday mo, pero pwede bang wag mo akong abalahin sa pagtulog? Kung gusto mong may kumanta sayo, sabihin mo lang sa akin pag kagising ko" Sa haba ng sinabi niya,tumango na lang.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...
