Chapter 40: 1st Day of so called RECOLLECTION

155 8 0
                                    

Wendy's POV


"Ayos lang talaga ako, sige na, sumali ka na dun" pagtataboy sa akin ni Bloom na kasalukuyang nakaupo sa kama niya at medyo mapula pa din.


Kung saan saan kasi tumatakbo kagabi, yan tuloy, naabutan daw ni Renz na nagbababad sa ulan, kahit kailan talaga, isa pa itong sakit sa ulo. Tingnan mo at nilalagnat na.


"Oonga, umalis ka na, istorbo ka sa may sakit" sabay talukbong ni Alen ng kumot.


Oonga pala, ito talaga ang nagpapasakit ng ulo ko,akalain mong may sakit pala pero sumama pa dito, paano kung mabinat ito, eh di sinisi pa ako ng magulang niya dahil ako ang pumilit sa kanya.


Kasalanan ko bang mahina pala ang katawan ng isang ito, napagswimsuit lang kagabi inubo na.


"Tss, hoy kayo ha! Pasalamat kayo may sakit kayo, kung hindi, naku"


"Eh di salamat" 


Tiningnan ko nga ng masama si Bloom, aba, parang walang sakit kung makangite, baliw talaga ito.


"Oh siya, itext mo na lang ako Alen kung may kailangan kayo"


Naalala ko kasing wala nga palang cellphone si Bloom, sabi naman ni Core ibinili niya daw dati si Bloom, hindi ko lang alam kung bakit hindi niya ginagamit.


"OOna, alis na kasi" bulyaw sa akin ni Alen.


Waahhh, sinisigawan na ako ni Alen, bad ka ALen.


Blag!


Lumabas na nga ako ng hindi man lang nagpapaalam, masyado nilang inisstress ang beauty ko. Paglabas ko, sakto namang pagdating ni Renz, malakas yata ang isang ito dahil di man lang nagkasakit kahit nababad din sa ulan kagabi.


"Kamusta na si Bloom?" pansin mo kaagad ang pagaalala sa mukha nito ng binanggit niya ang pangalan ni Bloom, feeling ko talaga may gusto ito kay Bloom, ayaw lang umamin.


"Ayun, medyo mainit pa pero ayos na naman siya"


Matapos niyang marinig na ayos naman si Bloom, bigla na lang siyang ngumite.


Kyaahh, kung wala lang siguro akong gusto kay Von,naging crush ko na din ito. 


Sabay na kaming pumunta sa may Lobby, dun kasi ang first destination ng grupo. Paggising kasi namin, mayroon ng nakasingit sa ilalim ng pintuan namin na envelope tapos nakasulat na yung schedule namin for day 1 . So, after breakfast, nakalagay dun na magprocede daw kami sa lobby at hanapin yung first WHAT TO DO na nakalagay, pinauna ko na si Jury dun, siya naman magaling sa amin pag dating sa ganun,kasama naman niya sina Siara at Fhin.


"Nahanap niyo ba?" tanong ko pagkalapit sa kanila.


Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon