CHAPTER 43: A MIRROR OF HER PAST (Part I)

71 6 0
                                    


Bloom's POV


"Ano Bloom? Ayos ka lang ba? Sorry ha kung kinailangan mong gumanap sa play, tapos biglaan pa"


"Ano ka ba Siara, ayos lang. Kasalanan ko din naman kung bakit Nawala si Fhin sa play, kung hindi kasi ako..."


"Tssk, tama na nga iyan, sige na, magpamake up ka na kay Wendy"


"Sige"


Nagsimula na akong pumunta sa room namin, si Wendy daw kasi ang magmamake  up sa akin. Haayy, napasubo pa tuloy ako sa play na yun ng biglaan. Pero, ayos lang, kasalanan ko din naman eh, Kung hindi sana ako naging malikot kanina, hindi sana nasaktan si Fhin.


Paano ba naman kasi, dun sa hagdan na sinasabi nilang anytime bibigay na, ako na sana yung aakyat, pero sabi ni Fhin siya na, tapos yun, nahulog siya, haayy.


"Arghh" 


Napahinto ako sa paglalakad nung may marinig ako, lumingon ako sa buong paligid, sigurado akong may narinig ako.


Pero, hindi na ulit naulit kaya nagtuloy na ako sa paglalakad.


Pagdating ko sa room namin...


"Waahhh Bloom, mas bagay ito sayo, mas cute kang tingnan" -Wendy


"Hindi Bloom, mas bagay ito sa iyo, mas inosente kang tingnan" - Jury


Bumungad kaagad sa akin sina Wendy at Jury na nagtatalo sa damit na susuotin ko,  ahm, di ba nila nagegets ang role ko? Sala sa damit na pang club, damit na pang matanda naman, hayyy.


"Heto kaya, girl student ang role mo di ba?" 


Lahat kami napatingin sa pumasok sa room namin, si Fhin, ultimo si Alen na nagbabasa ng libro, napatigil.


"Ahm, salamat" sabay kuha ko nung costume, mas gusto ko na ito kaysa dun sa pinagtatalunan nung dalwa.


"Sorry kung bigla kang napapasok sa play ha"


Nagulat ako sa sinabi niya, hindi dun about sa play, kung hindi dun sa sorry.


"Ahm, ayos lang"


"Galingan niyo ha, kami ng bahala sa music at iba pa"


Sabay ngite nito, alam ko, nararamdaman ko, na sa mga oras na ito, totoo ang mga iyon.


"Salamat"



Third Person's POV

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon