Chapter 3: Meet Fhin

433 50 28
                                        

"Teka, san ka ba pupunta?!"

Tiningnan ko siya na naghihikab pa.

Lunes kasi ngayon, kaya kailangan kong pumasok.

Sa totoo lang, plano ko siyang dalhin sa school at papasukin kahit 4 months lang,November na kasi,ilang araw na lang at december na.

"Kailangan kong pumasok"

"Hindi ba nasa loob ka na? Bakit ka pa papasok?!"

Inirapan ko na lang siya.

"Sa school, mag aaral ako. Dito ka muna"

"IIwan mo ko?!" para siyang bata na nagpapaawa

"Soon, papasok ka na din, aayusin ko lang ang mga papeles mo"

"Talaga?!"

nagningning naman bigla ang mata niya at hinalikan ako sa pisngi.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong nanigas sa kinatatayuan ko 

"May sakit ka ba? Bakit namumula ka?"

Hahawakan niya na sana ang noo ko pero pinigilan ko ito

"I have to go"

Nagmadali na akong lumabas at pinaandar ang kotse.

Hindi ko na binalak na lingunin pa siya.

Feeling ko kasi may kung anong sensasyon ang dumaloy sa katawan ko nung hinalikan niya ako, at hindi ko yun gusto.

Ipinark ko na kagad ang kotse ko at dali daling pumunta sa office.

Ipinasa ko na ang form na kailangan para makapasok si Bloom kahit 2nd sem na.

Plano ko rin siyang dalhin dito para malaman niya kung anong course ang gusto niya.

Madali lang naman lahat ng ito, lalo na kung hindi malalaman ng magulang at kapatid ko.

"Lexus!"

napalingon ako sa tumatawag sa akin.

At nakita ko na naman siya, ang babaeng mahal ko.

Ngiting ngiti siyang lumapit sa akin.

Kaya hindi ko na rin maiwasang itago ang sayang nararamdaman ko.

"Sabay na tayo"

Sabi nito habang nagsisimulang maglakad.

Muntik ko na nga palang makalimutan, iisa lang course namin, Tourism.

Kaya halos kaklase ko na siya sa lahat ng subjects.

"Fhin, ako na" sabay kuha ko sa mga gamit niya.

Ngumiti ito.

"Salamat"

Nagsisimula na kaming maglakad papunta sa room

At rinig na rinig ko ang mga usapan ng mga taong nakatingin sa amin

"Sila na ba?"

"Ang cute nilang tingnan"

"Sayang crush ko pa naman si Lexus, pero ok lang"

"Tss, kawawa lang si Lexus sa babaeng yan"

"Tama, balita ko, kaliwat kanan ang boyfriend niya"

Bigla namang napatigil sa paglalakad si Fhin at tumungo.

SInamaan ko naman ng tingin ang mga babaeng nagsalita ng masama tungkol sa kanya.

"Fhin"

Tumunghay ito at ngumiti.

"Ok lang, tara na"

Tumango ako at sinundan siyang maglakad.

Sa totoo lang, marami na akong nababalita na masasama tungkol sa kanya.

Pero wala kong pakialam, mahal ko si Fhin, at hindi na magbabago yun.

Lunch break na ngayon, hindi ko na din nakita si Fhin kasi hindi ko siya kaklase sa last 2 subjects.

Kaya bagot na bagot ako.

2 pm pa ang next subject ko, kaya nagdecide muna akong umuwi.

Baka kasi kung ano na namang ginagawa ng babaeng yun eh.

Dumaan muna ako sa isang cake shop.

Gusto ko kasing pasalubungan siya.

Pagdating na pagdating ko sa bahay, ang tahimik.

Kaya natakot ako.

Ibinaba ko ang mga gamit ko at hinanap siya sa buong sulok ng condo, pero di ko siya nakita.

Nga pala, nasa baba kami ng condo na ito, and next week lilipat na kami sa 3rd floor, mas malaki kasi ang space dun.

Nakita kong bahagyang nakabukas ang pintuan ng cr kaya plano ko sanang sarhan yun, pero nagulat ako sa nakita ko.

aalis na sana ako ng makita ko ang balak niyang gawin

Kaya hindi na ako nag atubiling pumasok sa cr

Pero siyempre, sa mukha niya lang ako nakatingin.

Inagaw ko naman yung brush sa kanya at tinapon ko sa sulok.

Shit!

Nabasa ako, bukas kasi ang shower.

"Lexus! Bumalik ka"

sabay yakap sa akin.

"Hindi ko siya magawang itulak, kasi.. kasi.. aahhhh.

Pero pag hindi ko pa siya itinulak, patuloy ko lang mararamdamn ang katawan niya na dumidikit sa katawan ko, at hindi ko ito gusto dahil hubad siya.

Tinulak ko siya at agad akong tumalikod.

"Ano bang gagawin mo at pati brush ng bowl balak mong ikudkod sa katawan mo"

"Akala ko kasi sa katawan yun"

Oo, nakita kong muntik niya nang ikuskos sa katawan niya yung pinangkukuskos sa bowl.

Baliw talaga ang isang ito.

Agad akong lumabas sa banyo at nagmadaling magbihis.

Sakto namang paglabas niya at buti na lang may damit na siya.

Naka t-shirt lang siya na v-neck tapos naka cotton na shorts.

Hindi ko maiwasang pagmasdan siya.

Napakakinis at napaka sexy niyang tingnan.

Siguro next time, sasabihin kong huwag ganun ang suotin niya, mahirap na, lalaki pa din ako.

Napansin kong nakangiti siyang nakatingin sa akin, kaya ako na mismo ang umiwas.

"May cake sa table, kainin mo sige alis na ako"

Dali dali na akong lumabas at nagdrive paalis.

Sa totoo lang, gusto ko sanang mag stay muna, pero ang hirap.

Ang hirap magpigil

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon