[An: for you ^_^"
Bloom's POV
"Dalian mo na, malalate tayo"
Kahit na tinatamad pa akong tumayo ay wala din akong nagawa.Kanina pa siya sigaw ng sigaw sa labas ng kwarto ko.
Ang sabi kasi niya, sabay na daw kami pumasok.
Pumayag naman ako kasi hindi ako sanay magisang pumasok.
Hayyy, namimiss ko na tuloy si Lexus.Ilang oras pa lang ang nakakalipas pero, parang ang tagal na niyang nawala :(
TOK! TOK!
"UI ANO NA?"
Napailing na lang ako ng marinig ko na naman ang boses ni Cav.
"Eto na" sagot ko sabay kuha ng gamit sa may gilid.
Kanina pa naman ako tapos magayos pero tinatamad pa akong tumayo kaya nahiga na lang ulit ako.
Lumabas na ako sa kwarto ko at naabutan siyang nakatayo at nakasandal sa may pintuan. Nakanguso pa sya at halata sa mukha niya ang pagkainis.hahaha, akalain niyong, ang cute niyang tingnan sa ganung itsura.
"Anong nginingiti ngiti mo diyan?"
"Wala"
Binuksan na niya ang pinto at pinauna akong lumabas.
Naks, parang nasa pelikula lang ^_^
"Cav,Sigurado ka bang sasamahan mo ko?" naglalakad na kami ngayon sa campus papunta sa room ko.
Mamaya pa daw kasi ang klase niya, nag mamasteral na pala siya sa law daw yun.
Hindi ko na tinanong kung ano yun, hindi ko din naman maiintindihan eh -_-
Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin.
"Oo, para alam mo kung sino siya at ako"tumango na lang ako at nagsimula na ulit kaming maglakad.
Sa totoo lang, hindi ko pa din maintindihan ang mga sinabi niya sa akin kanina.Na magkaiba daw sila ni Core.
Eh bakit ganun, magkamukhang magkamuha sila
-o-
"Oh my Ghie!!! Si Cav ba yun?"
"Obviously, siya nga, iba naman kasi ang uniform nila kesa sa mga senior na kagaya natin"
"Magkamukhang magkamukha talaga sila"
"Parang kambal pa nga eh"
Palinga linga ako sa paligid namin habang naglalakad.Daldalan dito daldalan duon.
Bakit ba pinaguusapan nila si Cav?Ito naman si Cav parang walang naririnig, dirediretso lang.
"Close pala sila ni Cav?"
"Balita ko, lagi din silang magkasama ni Core"
"Pati nga si Lexus, nakakasama niya eh"
"Don't tell me, nilalandi niya silang pareho"
Nilalandi?
Napatigil naman ako sa paglalakad at napatingin sa apat na babaeng nasa gilid na parang diring diring tinitingnan ako.Mga estudyante pala ng ibang course.
![](https://img.wattpad.com/cover/14078449-288-k984419.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
ЮморWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...