Chapter 48: First Timer?!

108 2 0
                                        


Alen's POV

"Ang tigas ng ulo mong bata ka, kaya lalo kang nagkakasakit eh"

"Mama, ayos lang ako, isa pa, isang beses na nga lang mabubuhay, kaya dapat ienjoy mo na"

"Hay naku, basta magpacheckup ka"

Kanina pa ako kinakausap ni Mama, na kesyo magpacheck up daw ako, Lately kasi nagiging sakitin na naman ako, nung bata kasi ako, madalas na nasa bahay lang ako, nakakulong, bihirang humarap sa tao.

Feeling ko kasi, lalayuan nila ako kasi sakitin ako. Kaya ngayong nagkaedad na ako, ngayon ko lang narealize na masaya pala sa mundo, kaya ginrab ko na ang oppurtunity at ginawa ang mga bagay na dapat matagal ko ng naranasan.

Matapos ang ilan pang minutong pakikipagusap kay Mama, nagdecide akong lumabas muna ng bahay at maglakad lakad, 1st time kong maglakad magisa dito sa subdivision namin, lalo na at ganito pang kaaga (Time check-5:30am)

Hindi ko maiwasang mapayakap sa sarili ko, heto kasing si Manong Air umiihip na naman, kaya kahit medyo maliwanag na, at malapit na ang summer, nakakapanindig balahibo pa rin. Tutal, 8 am pa naman ang klase ko, kaya hindi naman siguro ako malalate kahit na maglakad lakad ako ngayon.

Bzzttttt...

Sender: Mr. No one

If your feeling cold, imagine someone's hugging you and making you warm :)

Gud m0rning! :)

MAtapos kong basahin yung text nya,ewan ko ba sa sarili ko kung bakit bigla kong naalala si Liyle, yung oras na buhat buhat niya ako, ang kakaibang init na naramdaman ko mula sa mga bisig niya, para bang, para bang gusto ko ulit yun maramdaman.

Parang gusto ko siyang ya---- o_o Teka, waahhh!!! Alen, ano ba yang iniisip mo? Mandiri ka nga! Isa pa, nakakaloko ang text nito ah, parang nananadya. Hindi ko na tuloy namalayan na napatigil ako sa paglalakad.

Boogsh!

Argh!

"Sorry miss"

Napahawak naman ako sa balakang ko, ang sakit. Bigla na lang kasing may sumulpot na mula kung saan, at bigla na lang bumangga sa akin. Kaya naging dahilan ng pagtumba ko.

Plano ko na sanang tumayo magisa, nung napansin ko ang isang kamay na nakalahad sa harapan ko. Kaya unti unti, sinusubukan kong pagmasdan ang taong nasa harapan ko.

Isang lalaking medyo nagaalala ang hitsura, pawis na pawis, mukhang kagagaling lang sa jogging dahil sa suot nito. Idagdag mo pang, mukhang may lahing Korean dahil sa hubog ng mukha nito at singkit na mga mata na maihahalintulad sa mga kpop artists.

Hindi ko na sana tatanggapin ang inaalok niyang tulong, kaso lang pakiramdam ko di ko magagawang tumayo agad. Mukhang napasama ang bagsak ko.

Pero aabutin ko pa lang ng biglang may humatak sa akin patayo gusto ko mang ngumiwi sa sakit, ginawa ko lahat para hindi ko magawa dahil nakakahiyang makita yun ng iba.

"Sorry ha, lampa lang ang gf ko, sige, makakaalis ka na"

"Ahh, ganun ba? Sige, sorry ulit miss ha"

Umalis na yung lalaki sa harapan ko matapos niya akong bigyang ng ngiti at pumasok sa bahay na katapat lang din mismo ng pwesto namin. Mukhang taga dito din pala yun,

"Tss, ngiti pa, kala mo gwapo"

Saka ko lang naalala na may tao nga palang humatak sa akin na nasa tabi ko ngayon, mukhang hindi na dapat ako magtaka kung sinong tao ang walang modong bigla bigla na lang ako hahatakin.

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon