Chapter 27: Mahal?

173 11 2
                                    

Bloom's POV

"Oh ano? May nangyari ba? Kwento ka dali"

Inirapan ko lang siya tapos tinuloy ko na lang yung naudlot kong pagbabasa nung dumating ang mokong na ito.

"Ano ba?" sigaw ko sa kanya.

Paano ba kasi, kinuha yung binabasa ko.

Nakangiti lang siya sa akin tapos nilagay niya sa bag niya yung binabasa ko, naman eh.

"Magkwento ka na kasi"

"Ano bang ikkwento ko?"umayos na lang ako ng upo at naghalukipkip. 

Ang kulit ng Core na ito, kanina pa siyang umaga nangungulit, palibhasa kasi nakita niya kami ni Lexus na magkasunod na lumabas sa kwarto niya. Buti na nga lang at maaga umalis si Cav, tapos tulog pa si Ate Ell. 

Uonga pala, nasa iisang kwarto lang kami, alam kaya ni Ate Ell na hindi ako dun natulog?

"May nangyari na ba sa inyo ni insan? Ano? Masarap ba?"

Buti na lang dumating yung prof namin, nakaligtas ako sa bunganga nitong si Core, ano bang sinasabi niyang masarap?

Pagkatapos na pagkatapos nung klase, sinamantala ko munang pinagkakaguluhan siya nung mga babae naming kaklase.

Akalain niyo yun, may silbi din pala ang mga yun, nakatakas tuloy ako ahahaha.

Naglalakad ako sa paborito kong puntahan, alam niyo na, yung garden hahaha.

Napatigil ako sa paglalakad nung nakita ko si Bessy na seryosong nakikipagusap kay...teka, magkakilala sila?

Lexus POV

"Bro, nakadrugs ba yan? Kanina pa nakangiti eh"

"Ewan ko nga din, baka naman nakaisa kagabi"

"Tss, may pasigaw sigaw pang nalalaman, yun pala, ii-score lang, di man lang nagyaya"

"Oonga"

Nagulat na lang ako nung bigla akong tapikin sa balikat ni Von.

"Bakit?" tanong ko.

"Lalim ng iniisip mo ah, pinaguusapan ka na tuloy nung dalawa" sabay turo kina Gino at Liyle na magkatabi at parang ewan na nagbubulungan.

Sinamaan ko nga sila ng tingin.

"Bakit nga ba masaya ka?" tumabi sa akin si Von, tapos nilaro yung snow ball na palagi niyang nilalaro, tss, ang hilig talaga sa bola 

"Wala" ewan ko ba kung bakit, pero, napangiti na naman ako.

Naaalala ko kasi yung nangyari kagabi, si Bloom, akin na talaga siya.

"Aray"

Tengene, sinamaan ko nga ng tingin si Liyle, nambato daw ba.

"Problema mo?" inis na tanong ko sabay hagis nung unan na ibinato sa akin.

Nandito kasi kami sa secret room namin, parang mini condo ang hitsura nito, kaya kumpleto sa gamit.bukod nga lang sa isang kwarto dito na puro screen ng mga cctv ang laman -_-

Iiling iling lang sya tapos itong si Gino, lumapit sa akin at tinap ang balikat ko.Ano bang nangyayari sa kanila?

"Bro, kung gusto mo makarating sa heaven, wag kang mag drugs, madami akong chix, gusto mo humiram?- ARAY" binatukan ko nga ng isa.

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon