Chapter 16

233 20 2
                                    

{A/n: Para sayo po ang chapter na ito ^_^ thanks po sa mga comment mo, super na appreciate ko ^_^ at if you want, try mo iread yung past ni Core, one shot lang po yun, THAT's Your Fault kung gusto mo lang naman ^_^}

Lexus POV

"Ui dude, kanina ka pa diyan?" dirediretsong umupo si Gino sa may right side ko at ibinaba ang backpack niya.

"Medyo" tiningnan ko naman sila sandali saka muling ibinalik ang pansin sa binabasa kong libro.

Wala sana akong balak pansinin sila pero, nararamdaman ko sa paligid ko ang lakas ng hampasan at asaran nila -_-

Ano na naman kayang mga pakulo ng tatlong kumag na ito?

Isinara ko muna ang librong binabasa ko at humarap sa kanila.

"Anong meron?" tanong ko.

Tumigil naman sila sa paghahampasan at ngiting ngiting tumingin sa akin.

"Yung fiancee ko dumating na ^_^"-Gino

"Yung Asawa ko nakita ko na ^_^"-von

"Naku Brad, yung ina ng mga anak ko pinuntahan ako dito ^_^"-Liyle

Iba iba man ang naging sagot nila, isang ekspresyon lang ang nakita ko, mga baliw.

"Tss" tumalikod na lang ulit ako at sumandal sa upuan ko.

Walang kwentang kausap -__-

uonga pala, ayos na kami ni Liyle, wala na akong pakialam kung ano mang ginawa nila.

Mas ayos pang kausapin ang Baliw na babaeng yun kesa sa mga ito.

And speaking of baliw, first day niya ngayon, ano na kayang nangyari sa kanya.??

Tss, mapuntahan na nga lang.

"Ui, san ka pupunta?"

"Dude, sama ako"

"Hoy"

Hindi ko na lang pinansin ang mga pagsigaw nila at dirediretso na akong lumabas.

eh di sumama kayo.

Bloom's POV

"Dito ka na umupo sa tabi ko"

"Gusto mong imassage kita?"

"May kailangan ka ba?"

Kung kanina, mabibilang sa kamay at paa ang mga kaklase ko, ngayon, bigla naman ata kaming binaha.

Ilang sandali lang kami nawala pagbalik namin, ang dami nang papel at plastik ang dumating -_-

"Wait lang girls"

Isa pa itong lalaking ito, kanina sabi iiwasan na daw niya tapos ngayon may mga nakakandong pa sa kanya.

Itapon ko siya eh.

Hindi ko na lang sila pinansin at umubob na lang ako sa may mesa.Kesa may makita akong mga bagay bagay na hindi kanais nais, mas gusto ko pang makita ang dilim.

Ewan ko ba sa sarili ko, minsan, may mga pagkakataong parang nangyari o di kayay nagawa ko na ang isang bagay kahit na ang alam ko iyon pa lang ang unang beses na nangyari yun.

*poke*

*poke*

Wag ka ngang makulit!

Tss, naiinis na ako ha, kanina pa may hampas ng hampas sa balikat ko.

*poke*

Aba't talagang.

hindi ko na natiis at humarap na ako

"Ano-"

O__O--ako

^___^--siya

"That's your fault, not mine ^_^"

Dug! Dug! Dug! DUg!

Napahawak ako sa labi ko, ganun din sa dibdib ko.

Bakit, bakit parang tumigil ang oras.

"Ahhhhhhh"

Napatingin ako sa kaklase ko na sumigaw sa labas.

Lahat naman ng nasa loob lumabas, at pati ako ganun din.

Nakatabi ko pa nga siya pero hindi ko na siya pinansin, hanggang ngayon, hindi ko pa rin maipaliwanag ang naramdaman ko nung biglang naglapat ang mga labi namin.

"Naku panu yan, basag ang salamin"

"Nasira din yung basurahan"

"May sira din dito sa may pintuan"

"At tingnan niyo, may dugo sa sahig"

Matapos kong marinig ang ilang linya na yun mula sa mga kaklase ko, tiningnan ko ang apat na pigurang naglalakad palayo mula sa room namin.

Bakit ganun, bakit pakiramdam ko kilala ko sila?

Someone's POV

"Ikaw na"

kinuha ko ang bolang inaabot niya sa akin at sinimulan itong idrible at ishoot.

Ang tagal na din nung huling beses akong nakapaglaro ng basketball, at hindi ako nagsisisi kung itinigil ko iyon.

"Mukhang, wala na tayong magagawa sa kanila ah. Parang ang pagkakataon na din ang naglalapit sa kanila"

Napatigil ako sa pagddrible at napaharap sa lalaking kasama ko.

Sa totoo lang, hindi ko alam na matapos ang nangyari nuon, ay magiging magkaibigan kami.

Tanggap ko naman na ako ang may kasalanan nuon kaya ayos lang sa akin kung magalit siya.

"Tama ka"

Napabuntong hininga na lang ako.

Mukhang ang tadhana na ang naglalapit sa kanila.Akalain mo nga namang totoo pala ang ganun.

"Pakiusap lang.." tumingin ako sa kanya na seryosong nakatingin sa akin".. habang hindi pa dumadating ang panahon na yun, alagaan mo siya"

Tumango na lang ako bilang sagot.

Kahit hindi naman niya sabihin, gagawin ko talaga yun.

Dahil hindi ko naiwasang mahulog sa nilalang na yun.

"Daddy"

pareho kaming napalingon sa may pintuan nung may batang sumigaw at tumakbo sa pwesto namin.

Lumapit ang bata sa kanya tapos niyakap siya.

Sunod, lumapit siya sa akin at nagpapasan.

"Kamusta na ang schooling ng baby namin?" tanong ko sa kanya habang buhat buhat siya.

"Ayos naman po daddy," sabay halik niya sa pisngi ko.

Napangiti ako.

Isa lang siya sa mga bagay na inaalagaan ko para sa pagbabalik niya.

At sana pag dumating na ang panahon na yun, hindi na ako masasaktan.

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon