Bloom's POV
"Oh ayan, ikaw na bahala diyan" sabay alis ni Miriam, yung president namin.
Kinuha ko naman yung tambak ng mga papel at tinantya lang ang kaya kong dalhin.Pinakiusapan kasi niya akong dalhin daw ito dun sa faculty kasi tinatamad siya, oh di ba, kinakausap niya na ako, dati kasi walang pumapansin sa akin, dahil daw palagi kong kasama si Core. >3<
"Kailangan mo ba ng tulong?" hindi ko pa naiaangat ang mga bubuhatin ko, nung napalingon ako sa may pintuan.
Bumungad sa akin ang napakaseryoso pero nakangiting mukha ni Kuya Kier ^_^
"Kuya" nakangiti siyang lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya, umiling naman ako.
"Dadalhin ko pa po kasi ito sa faculty" sabay tap ko dun sa mga papel
Pinagmasdan niya naman yung mga papel tapos, bigla na lang niya kinuha lahat.
"Waah, kuya, bakit mo kinukuha?" pagpigil ko sa kanya.,
Tumingin naman siya sa akin dahil dun, at bigla naman akong napa shut up.
"Pupunta din ako dun, tulungan na kita" sabay lakad palabas.
Kinuha ko na lang yung mga gamit ko tapos tumakbo palapit sa kanya.
"Akin na po yung iba" sinubukan kong agawin kahit kalhati man lang, pero naiiwas niya kaagad , palibhasa malaki siya >3<
Habang naglalakad kami papunta sa faculty, tutal naman, medyo malayo yun sa room namin, kaya naisipan kong kausapin siya.
"Kuya Kier, pwede po magtanong"
"Sige, ano yun"
Nilalaro laro ko lang yung strap ng bag ko habang diretsong nakatingin sa daan.
"May kapatid ka po ba?"
akala ko hindi niya sasagutin yung tanong ko, ang tagal kasi bago siya nagsalita.
"Oo"
Tiningnan ko siya na seryosong nakatingin sa daan.
"Nasaan po siya?"
Tumingin siya sa akin saglit tsaka bumalik yung tingin niya sa daan.
"Nasa malayong lugar"
Tumango tango lang ako bilang sagot.
"Gaano po kalayo?"
"Basta malayo"
"Ok po"
Malapit na kami sa faculty nung may naalala akong itanong sa kanya.
"Teka nga po pala kuya"
Napatigil siya sa pagbubukas sana nung pintuan saka tumingin sa akin.
"Bakit?"
Lumapit ako sa kanya
"Bakit po kayo palaging nandito? Eh mukhang hindi naman po kayo estudyante"
Sasagot na sana siya nung biglang nagbukas yung pinto, at isang babae ang lumabas mula dito.
"Kier? Bakit nandito ka?"
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...