[A/N: Dedicate po ito sayo, sorry po kung late ako sa task ko :( ]
Bloom's POV
Hanggang ngayon na nakauwi na kami sa condo niya hindi niya pa rin ako kinakausap.Tinatanong ko naman siya kung may problema ba pero lagi na lang iling ang sagot niya.
Haayy, hindi ko na alam kung galit ba siya sa akin oh ayaw niya lang talaga ako pansinin.
Ting!
Lumabas na ako sa elevator at diretsong naglakad palabas.Nagdesisyon kasi akong maglakad lakad muna at iwan saglit si Lexus. Siguro naman at sana, ayos na ulit kami pagbalik ko.
Hindi naman ako masyadong lumayo sa condo niya, eh kasi naman baka mawala pa ako eh di lalo nang nagalit yun sa akin -_-
Sa paglalakad ko, nakarating ako sa isang lugar na maraming bulaklak tapos may mga palaruan ng bata. Idagdag mo pa yung bahay sa itaas ng puno.
Ang galing! *o*
Paano nagkabahay sa itaas ng puno?
Tumakbo ako palapit dun sa puno,buti na lang medyo maliwanag sa pwestong yun gabi na kasi.
Nung makalapit ako, napansin kong may hagdan pala paikot sa puno para makaakyat sa taas kaya agad akong tumakbo paakyat hahaha.Pagdating ko sa taas, walang gamit sa bahay, maliit lang ang espasyo, yung sakto lang tapos medyo mataas kaya hindi ako nakayuko sa pwesto ko.
Lumapit naman ako sa isa sa mga bintana at sumilip sa labas. DUon ko napansin at nakita ang kabuuan ng lugar nina Lexus.
Ang ganda! yun lang ang masasabi ko.
Kung sana kasama ko si Lexus, eh di mas ayos. Mas masarap tingnan ang paligid.Kaso, galit nga siya sa akin diba!
O_O
Bigla na lang may kumaluskos mula sa likuran ko, wag mong sabihing totoo yung napapanuod ko sa t.v. yung mga nilalang na lumulutang, nakakatakot ang mukha, yung lalapit sayo tapos bigla kang papatayin...
"AAAAahhhhhhhhh"
Halos magwala na ako nung biglang may humawak sa balikat ko.
Waahhh yung mumu hinawakan ako, waahhhh!!!
Sigaw lang ako ng sigaw ng biglang may humatak sa akin patalikod.Waaahhhh yung mumu makikita ko na waahhh..
Alam kong nasa unahan ko lang siya kaya hindi ko minumulat ang mata ko,.Ayaw ko pang makakita ng mumu.Hinawakan nung mumu yung kamay ko, kaya sa pagkakagulat ko, bigla ko siyang naitulak.
Naramdaman ko namang wala ng presensya ng kung ano sa unahan ko kaya nagmulat ako.Nakahinga naman ako ng maluwag nung wala akong nakita.
Nagsimula na akong maglakad palabas, malay niyo bumalik yung mumu di ba
"ARAy!"
O_O
Ano yun?
"ARAY! YUNG KAMAY KO!"
Bigla naman akong napalundag ng may humatak na kung ano sa paanan ko.Waahhh yung kamay ba yun ng mumu? WAAhhhh.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...
