cHAPTER 5

479 52 28
                                        

Bloom's POV

"Sigurado ka bang, dito ka na lang?"medyo nag aalalang tanong sa akin ni Lexus.

Ngumiti naman ako at tumango.

"Sige, hintayin mo ako dito ha" sabay gulo niya sa buhok ko at agad na umalis.

Wala naman kasi akong gagawin dun sa condo niya, nakakatamad 

lang kaya dito na lang muna ako,

Atleast, parang tahimik

Sa totoo lang,Sobrang saya ko nga nung hinayaan niya akong mag stay sa condo niya kahit di pa naman niya ako ganung kilala.

Kaya pinangako ko sa kanya na magbbehave ako.

Ako na ngayon si Bloom, at pangangatawanan ko ang promise ko

bago ko makalimutan,Nandito nga pala ako ngayon sa lugar na 

maraming bulaklak, sabi ni Lexus garden daw ang tawag ito.

Nakakatuwa nga eh kasi Madali naman akong matuto kaya madali 

kong matandaan ang mga bagay bagay.

Medyo mainit na sa pwesto ko at nakakangalay na din na tumayo.

Luminga linga naman ako sa paligid at naghanap ng pupuwede kong masilungan.

Buti na lang at may nakita akong malaking puno at mukhang masarap tumambay dun

Kaya agad ko yung tinakbo ng may mga ngiti sa labi, hooh, ang saya,

BLag!

Nadapa ako at talagang nahalikan ko pa ang lupa, phew, ang sama ng lasa.

Dahan dahan akong tumayo at tumingin sa paligid kung may nakakita.

Nakahinga naman ako ng maluwag nung nasigurado kong wala.

Pinagpagan ko naman kagad ang damit ko at naglakad na lang palapit dun sa puno.

"Bulaklak"

"Waahhhh" tinakpan naman niya ang bibig ko gamit ang kamay niya.

Nagulat ako kasi bigla na lang may nagsalita sa itaas ng puno AT LUMUNDAG GALING DITO.

nung tiningnan ko siya, 

Kawangis niya ng katawan si Lexus, kaya lalaki siya.

At gwapo din ang isang ito.

Hindi ko alam kung bakit ang tagal niya akong tiningnan at gulat na gulat pa.

Iniwas niya ang tingin niya at inalis ang pagkakahawak niya sa bibig ko.

"Ang dungis mo"

sabay abot niya sa akin ng asul na panyo.

Kinuha ko naman yun at pinahid ko sa mukha.

"Salamat"

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung ano sa mga ngiti niya.

" KAmusta ka na?! Ang tagal din nating hindi nagkita ah"

Bahagyang napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Nagkakilala na ba kami?

"Kilala mo ba ako?" sabay lapit ng mukha ko sa kanya at turo sa sarili.

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon