Lexu's POV
Aahhh!!
ANg sakit ng ulo ko.
Hinawakan ko ang sintido ko at pinisil pisil yun.
Ano bang nangyari kagabi?!
Napansin ko naman kagad na wala na akong suot na pantaas,
Nakaboxer na lang din ako.
Magulo ang kama, at nawawala ang bed sheet.
Pero may kumot pa din naman.
Lumabas naman ako kagad ng kwarto ko at dumiretso sa salas.
Malinis na ito .
Muntik na akong matumba nun sa pagkahilo buti na lang nakahawak ako sa pader.
"Gising ka na pala"
Nakangiting tumingin sa akin si Bloom,
Pero parang yung mga mata niya, hindi eh.
"Anong nangyari kagabi?"
tanong ko sa kanya habang umuupo sa upuan sa kusina.
Sinundan ko kasi siya at dito siya pumunta.
"Wala naman"
Nakangiti pa rin siya sa akin, pero parang may mali talaga eh.
Umalis muna siya sandali at may kukunin daw sa kusina.
Tumango na lang ako,
Nahihilo pa ako eh.
Sa totoo lang, gusto ko siyang tanungin kung bakit suot niya yung tshirt na suot ko kagabi.
Hindi naman sa ayaw ko pero, nakakapagtaka lang.
Tapos ang gulo pa ng buhok niya.
Ang babaeng yun talaga, haixt.
Hindi muna ako pumasok sa morning classes ko.
Nagpahinga lang ako at natulog.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...