Chapter 46: I Give up

93 3 0
                                    

Core's POV

"Alam mo*munch* kuya Core *munch* kahawig mo si Daddy ko"

Napatingin ako sa batang katabi ko, si tiyanak, yung anak nina Maam lasheras. Nagkataon kasi na nandito din pala ito, tapos nakita kong naglalaro malapit sa pool, malay niyo mahulog ito, konsensya ko pa. Kaya dinala ko na lang dito sa mini restau malapit lang sa resort at nilibre ko ng pagkain.

"Sino ba ang Daddy mo?"

Tumingin siya sa akin tapos umaktong nagiisip, sa totoo lang, sa tuwing tinitingnan ko ang mga mata niya, naaalala ko ang mata ni Shay. MArahil sa kanya siya pinaglihi nung Mommy niya.

"Ahm, si Daddy Kier at si Daddy Tito"

"Daddy Tito?"

Ngumiti lang siya at tumango bago itinuloy ang pagkain,haay, paano ko nga ba makakausap ang batang magtatatlong taong gulang pa lang. Well, matalino ang batang ito, akalain mong tuwid ng magsalita.

Pagkatapos naming kumain, niyakag ko na siyang bumalik sa resort. Baka nagwawala na yung nAnay niya sa kahahanap sa kanya.

At mukhang tama nga ako, dahil papasok pa lang kami, nakita ko na si Maam Lei na tumatakbo palapit sa amin, haay, ganyan ba talaga ang mga ina? Mawalay lang saglit sa anak parang mababaliw na.

"Oh Shon! Saan ka ba nagpunta? Nagalala kami ng Daddy mo"

Pinagmasdan ko lang silang dalawa na magkayakap, habang si Shon, pangiti ngiti lang. Napapangiti din tuloy ako, iniisip ko kasi, paano kung kami na ni Shay ang magkaanak? Ganyan din ba siya? Magiging kamukha ko ba ang mga anak namin o sa kanya?

Pero...biglang nawala ang mga ngiti sa labi ko. Alam ko naman eh, imposible ng mangyari yun. Pero, wala namang masamang mangarap di ba?

"Kumain lang po kami ni Kuya Core"

Tumingin sa akin si Ate Lei, tapos ngumiti. Nginitian ko na lang din siya tapos nagpaalam na ako.

DUmiretso na muna ako sa kwarto, mamaya ko na lang ulit dadalawin si Bloom.Ang alam ko din naman, yung mga kasama ko sa kwarto, nandun sa bayan at namimili ng ipapasalubong nila.

Pero, mukhang nagkamali yata ako, dahil pagpasok ko, mukha yatang hinihintay talaga niya ako.

Nakatayo siya at nakasandal sa pader, habang nakatingin sa akin na unti unting sinaraduhan ang pinto. Tss, akala niya nakalimutan ko na ha, yung sa play, parang gusto niya na talaga akong patayin.

"Ui Insan, nandyan ka pala? ^_^"

Umiwas siya sa akin ng tingin tapos dun na sa bintana humarap. Bakit? Mas gwapo ba sa akin yung bintana?

"Kamusta siya?"

"Huh?"

SUmandal na lang ako sa pintuan, habang hinihintay ang sagot niya, mukhang, may dapat kaming pagusapan ah.

"Si Bloom, kamusta siya?"

Ewan ko kung bakit, pero biglang bumigat ang pakiramdam ko. Sila di ba? Pero sabi nila hindi? Tss, ang gulo, Pero, kahit alin naman sa dalawa, iisa lang ang meaning nun eh, may nararamdaman sila para sa isa't isa.

"Ayos na siya, nagcramps lang yung binti niya"

"Eh kayo? Kamusta?"

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tinutumbok niya. O kung saan papunta ang usapan na ito, basta ang alam ko, may dapat kaming linawin.

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon