Core's POV
"Tss Core, di ka ba marunong mag alaga ng bata? Binihisan mo lang, pero panay ice cream pa rin sa mukha" medyo naiinis ang tono ng teacher na ito habang pinupunasan yung tiyanak na anak niya.
Aba, malay ko bang pupunasan pala yan, sabi niya kasi, bihisan ko lang -_-
Habang nakaupo ako dito sa bench, malapit sa exit, napatingin naman ako kay Bloom na nakain na naman ng ice cream.
Tss, wala talagang kabubusugan ang tiyan ng isang ito.
Bzzzttttt.
Kinapa ko naman ang phone ko sa bulsa, bigla kasing nagvibrate.Pagtingin ko, nagtext na pala si Kuya.
Sender: Kuyang Panget 0946*******
Kasama mo ba si Bloom? Nasaan kayo?
Nireplyan ko naman siya na kasama ko si Bloom at pauwi na din kami, saka ko nilagay ang cellphone ko sa bulsa.
Tiningnan ko naman sa relo ko kung anong oras na, 7 pm na pala. tsk, ginabi na tuloy kami sa pupuntahan namin.
Tumayo muna ako tapos,tiningnan sila.
"May bibilhin lang ako" hindi ko na hinintay na sumagot sila, dirediretso na akong naglakad,tss.. baka magalit yun sa akin eh.
Bloom's POV
Yumm! Hehehe
Ang sarap talaga ng ice cream, ang lamig hahaha.
"May bibilhin lang ako" napatingin naman ako kay Core na tumayo at nagsimula nang maglakad.
Ano na naman kaya ang bibilhin nito?
"Saan daw yun pupunta?" tumabi sa akin si Ate Lei at si Shon na medyo pumipikit pikit na.
Waahhhh, gusto ko talaga siya iuwi.
Kinagat ko na ang last part ng ice cream ko at sinagot si Ate Lei.
Ate Lei nga pala tawag ko sa kanya, mas matanda kasi siya sa amin ni Core eh, hehehe.Buti nga di na siya umiyak nung nakita ako eh, mukhang tao na siguro ako haha.
"May bibilhin lang daw po eh" kinuha ko naman si Baby Shon kay Ate Lei at sa lap ko na siya pinatulog,
Ang sarap talaga kasama ng batang ito, sayang, wala si Lexus para makita siya.
Hayyy, uuwi na kaya si Lexus?
"Bloom" nabaling ang atensyon ko kay ate ng bigla siyang nagsalita, napansin ko naman ang isang kumikinang na bagay sa kamay niya.
"Happy Birthday" pagkakasabi niya nun, lumapit siya sa akin at sinuot yun sa leeg ko.
"Ano po ito? At paano niyo nalaman na birthday ko?"
Ngumiti naman siya at kinuha sa akin si baby shon ko >3<
"Kwintas yan, gift ko sayo. Narinig ko kasi kay Core na birthday mo"tiningnan ko naman yung kwintas at napansin ko ang letra na nakasabit dun.
"Bakit po S? Bloom po pangalan ko"
"Ahh..kasi.. B naman talaga yan, sorry kung nagmukhang S"
Tumango tango naman ako tapos tumayo, tumayo kasi siya eh, tapos pasan na niya si Shon.
"Sige, alis na kami, ingat ha" niyakap niya ako kaya bahagyang gumalaw si Shon, paano kasi, naipit ahihihi.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...
