Tuesday na ngayon, at heto, kasama ko si Bloom papunta sa university.
Buti na lang at wala pa akong klase, 10 pm pa ang first subject ko sa araw na ito.
May praktis din si Fhin para sa cheering squad.
May presentation kasi sila sa december.
Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa university, kitang kita ko na marami na kagad napalingon sa amin.
O sabihin na nating, kay Bloom
Halos mga lalaki kasi lahat ang tumingin -_-
Aaminin ko, ang ganda niya ngayon.
Naka red dress lang siya at flats.
Ayaw niyang mag heels kasi masakit daw sa paa.
At may pin sa buhok.
Hindi rin siya nagmake up, bukod sa hindi siya marunong naiirita daw siya sa lipstick. Hindi ko alam kung bakit.
Kaya nag foundation lang siya at eyeliner.
Tinuruan daw kasi siya nung nag assist sa kanya kung paano maglagay nun.
Ako na lang ang pumasok sa loob ng office at kinuha yung papel.
Pagkalabas ko, inabot ko kagad sa kanya.
Nakasulat dun yung mga course.
Sinimulan ko na siyang ilibot sa campus, bawat building ipinapaliwanag ko sa kanya.
Tinuro ko din kung saan yung building namin.
At tango lang siya ng tango. sana nga lang naiintindihan niya.
Nung medyo napagod na kami, dinala ko siya sa canteen
Pabalik na sana ako sa table namin ng makita kong may kausap na kagad siyang tatlong lalaki.
At ngiting ngiti pa.
Tss, babaeng ito talaga oh.
Lumapit na ako sa kanila at bahagyang nilakasan ang pagbababa ng pagkain sa mesa.
Nagkatinginan naman sila at umalis.
Pero may nagflying kiss pa kaya hinarangan ko at umakto akong pinalo ko palayo.
At pinagmamasdan na maglanding kuno yun sa babaeng mataba sa kabilang table.
Kaya medyo sumimangot yung tukmol na yun at umalis.
Nilingon ko naman si Bloom at ngiting ngiting kumakain.
"Umalis lang ako, may nabingwit ka na kagad"
sabay upo
"Hindi sila isda para mabingwit, nakipagkilala lang sila"
Sabi nito ng may nakakalokong ngiti sa labi
"Ewan ko sayo"
Matapos namin sa canteen, ihahatid ko na sana siya pauwi kasi malapit na ang time ng klase ko pero nagpaiwan lang siya sa garden.
Hihintayin niya na lang daw ako.
Pumayag naman ako kasi isang oras lang naman yun.
"Pagpasok na pagpasok ko sa room, kitang kita kong bigla na lang akong inirapan ni Fhin.
Alam kong galit siya kaya nilapitan ko na kagad.
"Galit ka ba sa akin?"
sabay hila sa katabing upuan.
Seatmate nga pala kami.
"Tss, Ewan"
Ayaw kong magalit siya sa akin, kaya maaga pa lang gusto ko nang ayusin.
"Tell me, may nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?"
Hindi pa rin siya lumilingon sa akin,
Kaya hinawakan ko ang baba niya at iniharap sa akin.
"Bakit?"
tanong ko
Iniwas niya ang tingin sa akin at humarap sa ibang direksyon.
"Sino yung kasama mo kanina? Bakit ang-- argh, Wala"
Sabi nito habang nakapout.
Kinurot ko naman ang ilong niya at ngumiti
"Ano ba"
sabay hampas niya sa kamay ko
"Nagseselos ka ba?"
Hindi ko alam kung bakit pero gusto ng lumukso ng puso ko sa tuwa sa oras na sabihin niyang nagseselos nga siya hahaha.
Atleast alam kong may nararamdaman din siya sa akin.
"Hindi nho"
Hindi nakalampas sa paningin ko ang bigla niyang pamumula.
Kaya napangiti ako at inakbayan siya.
Nagulat siya at tumingin sa akin.
Ngumiti ako
"Huwag kang mag alala, kahit anong mangyari, ikaw lang ang mahal ko"
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...
