Chapter 20 Fiancee ^_^

182 13 2
                                        

Bloom's POV

"Hey,Fiancee ^_^" napatigil ako sa paglalakad ng bigla na lang may kumulbit sa akin.

Naglalakad na kasi ako papunta sa parking lot, dun kasi ako hinihintay ni Cav.

Kung hindi ako nagkakamali, siya yung isa sa mga lalaking nakausap ko nung first day ko.

"Nagkakamali ka, Bloom ang pangalan ko, hindi Fiancee" napangiti naman siya dahil sa sagot ko.

Anong nakakatuwa dun?

Bigla niyang kinuha ang kamay ko, papalag sana ako pero umiling siya kaya hinayaan ko na lang.Naramdaman kong may inilalagay siyang bilog na maliit na metal sa daliri ko.

Tapos nakangiti pa siya habang ginagawa yun.

"Ayan, bagay sayo"

Tiningnan ko naman yun, at ang ganda nga.

"Bakit mo ako binigyan ng ganito?" tumingin ako sa kanya.

Naguguluhan talaga ako, hindi ko pa nga siya kilala tapos bibigyan niya kaagad ako ng ganito?

Mas lalong lumawak yung pagkakangiti niya tapos itinaas din yung kamay niya, at nakita ko sa isa sa mga daliri niya ang katulad nung isinuot niya sa akin.

"Meron ka din?"

Tumango naman siya at ibinaba ang kamay niya.

"Kapag may nagtanong kung bakit mayroon ka niyan, sabihin mo, fiancee ka ni Gino, Naiintindihan mo?"

Kahit hindi ko masiyadong gets, tumango na lang ako.

"Teka, ano nga pangalan mo?"

Inilahad naman niya ang kamay niya at tumingin sa akin na nakangiti.

"Im Gino Giovani, your Fiancee, ikaw si Bloom Riosa di ba?"

Nakipagkamay naman ako sa kanya tapos tinanong ko siya.

"Ah, Gino, paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Fiancee mo ako, kaya alam ko"

Gusto ko pa sanang itanong kung anong meaning nung fiance pero umalis na siya at tumatalon talon pa.

Yaan na nga, 

Naglakad na ako diretso sa parking lot, at nung natanaw ko na ang sasakyan ni Cav, may nakasandal dun na medyo blonde ang buhok  na lalaki.

Nung makalapit ako, hindi ko siya makilala.

Napatingin siya sa akin at binuksan yung isa sa pintuan nung kotse.

Waahhh, bakit niya binubuksan ang kotse ni Cav?

"Waahhh, wag mo yang buksan, kay Cav yan"

tumakbo ako palapit sa kanya at isinara ang pintuan nung kotse.

Hoohh, buti na lang naisarado ko kagad, wala siyang karapatang pumasok sa kotse ni Cav.

"Sino ka?"

Tanong ko sa kanya, pero ngumiti lang siya at umiling.

Umikot siya sa kabilang pintuan kaya sinundan ko siya at pinigilang pumasok.

"Alam ba ni Cav na sasakay ka dito?"

Bigla na lang siyang napatawa tapos tumingin sa akin.

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon