Chapter49: Looking For Answer

51 2 0
                                    

Bloom's POV

"Bloom, makinig ka naman sa akin"

"Ayaw ko na, magsisinungaling na naman kayo sa akin eh, tama na"

Ang sakit, sobrang sakit, ngayong naalala ko na ang lahat, bakit ganun? Bakit hindi ko magawang paniwalaan? Ang pagkakaroon ko ng amnesia, hindi yun totoo, hipnotismo lang ang naganap. At, at oo, inaamin ko, dumadating ang oras na bumabalik yung alaala ko, at nagpapahipnotismo ulit ako, bakit? PARA MALAMAN KO KUNG SINO ANG AMA NG ANAK KO, pero, pero nakakainis, hindi, hindi ko pa din alam.

Kung hindi si Renz, at wala din sa barkada niya, sino? SINO????

"Bloom, tama na yan"

Niyakap ako ni Renz, siya, sa lahat ng tao, hindi ko akalain na magmamalasakit sa akin. Pero nakakainis lang, kasi hindi niya din alam kung sino.

oo, nagbunga ang nangyari nung gabing yun, at si Shon, siya ang anak ko.

"Bloom san ka pupunta?"

Hindi ko alam, hindi ko alam kung nasaan ba dapat ako, nakakainis. argh.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa, dun sa bar kung saan nagmula ang lahat, dun ako dinala ng mga paa ko. Dumiretso ako dun sa kwarto kung saan naganap ang lahat.

Akala ko matatagpuan ko ang kasagutan kapag nakausap ko na si Renz, pero mukhang mas lalo lang gumulo ang lahat,

PAgpasok ko sa kwarto agad akong humiga sa kama, nagtalukbong at pumikit. Sigurado naman akong walang pupunta dito dahil private room ito. At alam kong nandyan si Renz para harangin ang mga kaibigan niya kung sakaling nagpumilit tumaas.

Hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong umiyak, pakiramdam ko, pinaglalaruan lang ako ng tadhana. At nakakainis na hindi ko yun mapigilan. BAkit ba kasi sa akin nangyayari ang lahat. ANg gulo, sobrang gulo na ng kuwento ng buhay ko. HIndi ko na alam kung ano pa ba yung totoo

NArinig ko ang bahagyang pagbukas ng pinto. HIndi ako nagalala, baka si Renz lang yan at sinisilip kung ayos lang ako.

Matapos magsara nun, akala ko tapos na, pero naramdaman kong may bahagyang tumabi sa akin. At kahit medyo malayo pa, amoy ko na yung alak na sumisiguradong nakainom siya.

HIndi ko na yun pinansin, pero nagulat ako nung bigla niyang hinawakan ang katawan ko. Bigla akong kinabahan, si Renz ba talaga ito?

Ang hawak niya, biglang naging haplos, mula sa braso ko, hanggang sa balikat, at parang sinisigurado niya ang parte ng katawan ko. Bigla akong nangilabot, ang ganitong pakiramdam, hindi ako pwedeng magkamali, ganitong ganito ang naramdaman ko nun. ANg kaibahan lang, wala akong pakialam nuon, pero ngayon....

Biglang dumiin ang hawak niya, hanggang sa bumigat na ang pakiramdam ko dahil bigla siyang pumatong sa akin.

Napasigaw ako, pero hindi dahil dun, dahil sa marahas niyang paghalik sa akin kahit na nasa loob ako ng kumot.

SUmigaw lang ako ng sumigaw, nagpumiglas, hanggang sa natanggal ang kumot na bumabalot sa akin at sinampal ko ang taong nasa ibabaw ko, tinulak ko siya kaya bumangon ako sa kama at niyakap ang sarili.

AT muli, umiiyak na naman ako, natatakot, ito, ito mismo ang naramdaman ko nuon. BAkit? BAkit sa akin pa?

Ayaw ko na! Tama na! Maawa kayo sa akin! PAkiusap tama na!

"Sino ka?"

Yung takot na nararamdaman ko, dumoble, hindi, tumriple pa. Ang mga katagang yun!... ang mga... ang mga....

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon