Chapter 11

322 41 15
                                    

Blooms POV

Hindi ko alam kung nasaan kami ni Lexus ngayon, basta ang alam ko lang, may higanteng tv sa harapan ko ^_^

"Hindi ko ba nasabi sayo na nakakatakot ang ngiti mong yan?"

Humarap naman ako sa lalaking nasa kaliwa ko na diretso lang sa pagpindot sa maliit na bagay na hawak niya,

Ewan ko kung anong tawag dun.

"Mukha ba akong halimaw?" 

Napatingin naman siya kagad nung tinanong yun.

Nung una tumawa siya pero parang napansin niya ata na seryoso ako.

Kaya kahit pansin ko na nagpipigil siya, humarap na siya sa akin ng tuluyan.

"Binibiro lang naman kita, hindi ibig sabihin nun, halimaw ka"

Medyo napangiti naman siya habang sinasabi yun, pero ako, imbes na  makipagtitigan sa kanya, tumingin na lang sa malaking t.v

"Pero bakit umiyak yung babae kanina kung hindi naman ako mukhang halimaw?"

"Huh?"

"Wala"

Haayy, bakit ba talaga siya umiyak? :3

Lexus POV

"Huh?"

paguulit ko sa sinabi niya.Habang nilalagay ang cellphone ko sa bulsa

"Wala"

Tumango na lang ako at tumingin sa screen sa harapan namin.

Hinihintay magsimula ang movie.

Sa totoo lang, narinig ko kung anong sinabi niya.

At nakita ko ang mga nangyari kanina.

Sayang nga lang at hindi ko nakita kung sino sila.

Nakatalikod kasi sila kanina mula sa direksyon ko.

Wala man akong narinig sa pinag uusapan nila, nauunawaan ko naman sa mga kilos ni Bloom.

Sino ba sila?

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon