Saktong alasingko ng hapon ng makarating sila sa tinatawag na Resort of Truth. Sa totoo nga niyan, natatawa sila sa pangalan ng resort, kasi Resort of Truth? Ano naman kaya yun?
Pero sa totoo lang, kakaiba ang resort na ito, sa mga normal resorts, puro swimming pool at cabin lang, pero dito, parang hacienda na hinati sa apat, sa kanang bahagi ng lugar, nanduon ang mga cabins at pool, sa kaliwa, may life size maze na gawa sa mga halaman, at hindi mo masabi kung gaano kalawak, sa hilagang parte ng lugar, parang may mini forest na pwede mong pag hikingan, at sa timog, nandun ang tiyak na kaaliwan ng mga kabataan, mga bars, mini restaurant at shops.
Sunod sunod na bumaba ng bus ang mga estudyante bitbit ang mga bagahe nila. Kasama na dun ang barkada nina Bloom kung saan nangunguna sa kaingayan.
"Bloomy, kasama kita sa room ha" sabay sabit ni Wendy sa kanang braso ni Bloom.
"Anong ikaw, ako kaya" sabay hatak naman ni Gino sa kaliwang braso ni Bloom.
Kaso biglang sumulpot si Jury at hinatak ang tainga ni Gino palayo kay Bloom.
"Aaa—arayyy, si Moody talaga napakaselosa"
"Asa!"
Nabalot ng tawanan ang buong barkada, kaso, ang hindi nila alam, may isa sa kanilang nalulungkot sa nangyayari.
"May mababalikan pa kaya siya?" tanong nito sa sarili.
Hinati ni Mrs. Lasheras ang grupo ng mga girls at boys, tiga-anim kada kwarto, at mukha yatang sinasadya niya, dahil sina Bloom-Wendy-Jury-Allen-Siara-Fhin sa dorm no.1 ng babae sina Lexus-Renz-Gino-Von-Liyle sa dorm no. 1 ng boys, nakakapagtaka nga at kulang sila ng isa, sabi naman ni Mrs. Lasheras may dadating pa daw na isa.
Isa isa na silang pumasok sa silid nila, kapansin pansin din na tahimik si Bloom, ultimo si Fhin parang hindi makabasag pinggan.
"Ui, dinner na daw, sunod na kayo ha" sabay alis nina Jury ng kwarto at tanging natira lang ay ang dalawa.
Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto, unang araw pa lang pero, pakiramdam nila, hindi nila kakayanin na magsama sa iisang kwarto, pero anong magagawa nila, kahit anong pilit nila sa Dean ay ayaw silang payagan, mukhang nakaplano na talagang yun ang dapat mangyari.
"Salamat sa pagaalaga sa kanya"
palabas na sana si Fhin ng kwarto ng biglang nagsalita si Bloom, hindi na niya ito nilingon, bagkus, napatungo na lamang ito.
"Kahit sandali lang naging kami, masaya ako at masaya siya sayo" wala pa ding naging kasagutan si Fhin, hanggang sa nagulat na lang ito ng may tumapik sa balikat niya.
"Huwag kang mag alala, pagkatapos ng tatlong araw na ito, hindi niyo na ako magiging problema" sabay ngiti ni Bloom bago ito lumabas ng pintuan.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...
