Cav's POV
"Kamusta siya?"
"NAtutulog na siya"
Hindi na ako nakaimik pa, wala na akong maisip na pwede pang sabihin o kung ano. Matapos kong magtapat sa kanila, pakiramdam ko, wala na akong karapatang humarap pa.
Pero, alam ko, hindi pa tapos ang lahat. May katanungan pa din siyang hindi niya masagot, at natatakot akong malaman kung anu man ang kasagutan na yun.
"Kuya.."
NApatingin ako kay Core na papasok na sana sa kwarto niya, inabangan ko talaga siya dito para tanungin ang kalagayan ni Shay, nahihiya akong harapin siya lalo na at naalala na niya ang mga nangyari nuon.
"Bakit?"
Hindi siya humarap sa akin, bagkus, humigpit lang ang hawak niya sa door knob.
"MAy alam ka di ba? May alam kayo kung sino ang posibleng hinahanap niya di ba?"
Natigilan ako, kinabahan, pakiramdam ko biglang uminit, ang pintig ng puso ko, biglang bumilis. Ito na nga ba ang kinatatakot ko, uo may alam kami, pero hindi pa din sigurado, Hindi ko pa din mahanap ang posibleng nangyari nuon, at kung sino. Isa na lang ang dapat kong makitang ebidensya, para mapatunayan yun.
"Core..."
"Pakiusap, siguraduhin niyo lang na hindi siya masasaktan sa ginagawa niyo.. pakiusap... maawa kayo sa kanya"
MAhina ang pagkakabigkas niya lalo na dun sa mga pahuling salita bago siya tuluyang pumasok sa kwarto niya. Tumalikod na ako, nasisiguro ko nang may alam siya. Pero... sana, sana tama siya.
Hahakbang na sana ako nung marinig ko ang kalabog sa loob ng kwarto niya, at mga sigaw na alam kong pinipilit niyang pigilan. Kinabahan ako bigla, posible bang..... wag naman sana.
Agad akong nagmadaling buksan ang pinto nung di siya sumagot, kinakabahan ako, pakiusap wag naman sana.
"Core! COre! Ayos ka lang ba? Core"
Pagbukas ko, nakita ko siyang nakahiga sa sahig, nakahawak sa ulo niya, namimilipit sa sahig, napansin ko din ang ilang tableta ng gamot na nahulog sa sahig.
Pakiramdam ko, biglang nawala ang lahat ng dugo ko sa katawan, natatakot ako, natatakot akong mangyari ulit yun sa kanya. Akala ko ba, ayos na? Akala ko ba sapat na yung nuon? Bakit? BAkit bumabalik siya ngayon?
Agad ko siyang binuhat at nagmadaling dalhin siya sa sasakyan. Kami lang ang tao sa bahay, hindi pa umuuwi si Lexus, si Ate Ellaine, inaaus yung report tungkol sa ginawa ng mga bata nung nakaraan.. Yung mga katulong naman, pinauwi muna. KAya kaming tatlo lang nina Bloom ang nandito.
Halos liparin ko na ang daan sa pagmamaneho, lalo na at nawalan na siya ng malay. PAkiusap, lumaban ka Core! Dahil, dahil may responsibilidad ka pang dapat gawin!
Wendy's POV
"Haaayyy, ang tagal naman ni Core gumising"--Jurry
"Gusto mo ba gisingin ko? Teka lang, kukuha ako ng pamalo at papaluin ko siya hanggang sa magising"--Gino
"Gaghie ka din eh nho, paano kung mamatay yan ha? Eh di lagot ka kay Bloom"--Jurry
"Bakit? May namatay na ba sa pagpalo ng tsinelas"---Gino
"Aaargh! BAhala ka nga diyan"--Jurry
Haayyy, ang dalawang yan, lagi na lang nag aaway. Mag iisang linggo na kaming nagbabantay dito pero laging bangayan nila ang pampagising sa umaga.

BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...