Chapter 58: A day with him

69 1 0
                                        


(A/N: Sunod sunod na po ang update ko kasi mawawala ako ng dalawang linggo for school purposes, pero hindi ko muna iuupload yung ending and epilogue haha, saka na po pag uwi ko ^_^)

Third Person POV

"Magbabait ka baby ha, wag bigyan ng sakit ng ulo si Mommy"

"Opo"

Paulit ulit na pinapaalalahanan ni Lei si Shon habang binibihisan ito. Makikipagkita kasi ulit sila ni Shay kay Core.

Sa totoo lang, lahat sila nagtataka kung bakit si Lexus mismo ang nagsabi sa kanila na palaging lumabas sina Shay at Shon kasama si Core kahit na inaayos pa nila ang kasal.

Dalawang araw na lang at ikakasal na sila, ayos na din naman ang lahat.

"Oh babby, tara na."

Bitbit ni SHay ang bag ni Shon, kaya lumapit sa kanya ang bata at kinuha ito sabay sakbit sa likod niya.

"Babye Mommy Lei. Bibili ako bubong for you"

NAgpaalam na din naman si Lei sa dalawa at hinatid sila sa labas ng pinto.

MAy driver naman sina Shay, kaya ito na ang nagdrive sa dalawa. HAbang nasa byahe, kwento lang ng kwento si Shon at magiliw naman itong pinapakinggan ni Shay. Tuwang tuwa sya sa pagiging Bibo ng bata. At masaya siyang maluwag na tinnanggap siya nito.

MAlapit na sila sa MAll, at natatanaw na nila si Core sa parking lot at nakangiti itong kumakaway sa kanila. Agad naman itong kinawayan ni Shon na ngiting ngiti din, agad naman itong bumaba ng sasakyan at niyakap si Core.

"Daddy C, namiss kita. Anong gagawin natin ngayon?"

Ginulo naman ni Core ang buhok nito.

"What do you want my babby?"

Alam ni Shay na mali ito, mali ang nararamdaman niya para kay Core pero, hindi niya maiwasang hindi aminin sa sarili niya na mahal pa din ito.

"Can we ride roller coaster? Bump car? wild river? and many more?"

"Sure babby"

Agad na humawak sa kanya si Shon at hinila si Shay na nakatingin lang sa dalawa.

PAkiramdam niya para silang buong pamilya. NAisip niya, paano kung hindi nangyari ang gabing yun? Hindi kaya siya iiwan ni Core?

Una nilang pinuntahan ay yung sa roller coaster, pero hindi naman sila pinayagan dahil bata pa si Shon at hindi pa din abot sa height limit. KAya nagmaktol ng nagmaktol ang bata.

Buti na lang at napangiti ulit ito ni Core. HAbang naglalakad sila, hindi sinasadyang makita nila ang poster tungkol sa Puzzle game ng mga bata.

At dahil mahilig dun si Shone ay agad silang hinila nito. MAy isang oras pa naman bago magstart, pero pinaalis muna sila ni Shon para makipaglaro muna sa mga magiging kalaban niya.

Nung una, ayaw pumayag ni SHay, pero wala din siyang nagawa. Isa pa, my mga obstacles sa loob na pwedeng paglaruan ng mga bata at may nagbabantay sa mga ito.

Kaya, sila na lang dalawa ang sumakay sa roller coaster. KAhit na ang ingay ng mga kasama nila sa bawat pag baba, pag taas, at pagliko nila. Tahimik pa din ang dalawa. Pero deep inside, gusto ng tumili ni SHay.

Tumawa naman si Core nung mapansing namumula ito at lumalaki na ang mata, sign na nagpipigil lang ito. Napatingin tuloy sa kanya si Shay.

"You can Shout"

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon