Bloom's POV
Kahit mamaya pang 10 ang klase ko, ang aga ko pa ding nagising -_-Paano ba kasi, yung magkapatid na yun, agang aga nagaaway na kung kanino daw kotse ang gagamitin at kung sino mag ddrive.
Bakit ba ayaw na lang nilang maghiwalay ng kotse di ba?
"MAs matanda ka, kaya magpaubaya ka sa masbata"
"Yun naman pala eh, mas matanda ako, kaya sumunod ang mas bata"
Hayyy!
tiningnan ko ang orasan sa ibabaw ng mesa.Mag 9 na ng umaga.
Kanina pa nga ako tapos maligo at magbihis, at kanina pa din ako tambay sa lamesa habang hinihintay silang matapos magbangayan.
Pero ayun, di pa rin sila natatapos --_--
Hayyy.
Tumayo na ako at lumapit sa kanila, nagulat pa nga sila nung hinawakan ko pareho yung mga kamay nila.
Pero akala niyo ba sila lang yung nagulat?
Mas lalo naman ako!
Alam niyo kung bakit?
Dahil, bigla na lang may dumaloy na kuryente nung hinawakan ko ang kamay ni C---
"Anong ginagawa mo?"
Nagkatinginan pa sila, tapos nagpalitan ng masasamang tingin.Kailangan ba talaga nilang gawin yun tuwing nagkakasabay sila?
Imbis na pansinin sila, nagsalita na ako.
"Mag bato-batopik kayo"
Nung sinabi ko, yun, binitiwan ko na yung kamay nila at dumiretso sa pinto.
Hindi ko na sila hinintay at bumaba na agad ako, ano bang nangyari kanina?
Bakit nakuryente ako?
Mga ilang minuto din ang lumipas saka sila lumabas, nakahawak pa si Core sa ulo niya tapos nakanguso.Si Cav naman, hindi maipinta ang mukha.
"Tara na" sumunod na lang ako kay Cav.
Wala akong ganang magsalita eh, bukod sa medyo inaantok ako, naninibago ako. Bakit kasi kasabay ko pa silang dalawa?
Dirediretso lang si Cav sa kotse niya, tapos pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako.
Papasok din sana si Core pero, isinara agad ni Cav at tumingin kay Core.
"Ui, diyan din ako"
Nakanguso pa din si Core habang nagmamakaawa kay Cav, si Cav naman hinatak na siya pauna hahaha.Mukhang si Cav ang magd-drive ah, hahaha
Dahil nga sa inaantok ako, napagdesisyunan ko na munang matulog. Hindi ko alam kung gaano katagal yung pagpikit ko,pero pagmulat ko, nasa school na pala kami, at nakita ko sa labas ng kotse na mukha na namang nagtatalo yung dalawa.
"Ayieee, ikaw ha"
"Anong ayie ka diyan, ikaw kaya!"
Mukhang nagiinisan yung dalawa, iritang irita na ang mukha ni Cav, si Core naman, bungisngis na bungisngis.
"Aminin mo na kasing type mo"
"Anong type ka diyan, ikaw nga itong---"
"Hi ^_^"
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...
