Chapter 53: Lexus the Father

179 2 0
                                    

Shay's POV

Nandito pa din kami ni Lexus sa isang park,nakaupo lang sa isang bench dito habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw at unti unting pagkawala ng mga tao sa paligid namin. malay ko ba dito kung bakit dito niya ako dinala. Hindi ko naman magawang kausapin siya, medyo, naiilang pa din kasi ako eh.

Sa totoo niyan, kahit magkasama kami, mayat maya tumatawag sa akin si Core, tapos pinapakausap si Shon, ang kulit lang ^_^

"Ahh, Shay"

Medyo nagulat pa ako nung nagsalita siya, hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Medyo, mabigat kasi ang atmosphere eh.

"Bakit?"

Nahalata kong bahagya siyang napahinga ng malalim at napapikit. Hindi ko alam kung para saan ang mga yun pero, bakit pakiramdam ko kailangan kong matakot?

"Pwede bang, maging honest ka sa akin? Kahit, kahit ngayon lang"

Can in goods itong tao ito -_- , at kelan pa ako naging hindi honest? Itulak ko kaya siya sa kinauupuan niya ngayon.

"Sige"

Medyo lumihis siya ng upo at humarap sa akin. Sincerity. Yun ang unang bumakas sa mga mata niya, bakit? Gaano ba kaimportante ang itatanong niya at ganun na lang siya kapursigido.

"Shay, anong, anong gagawin mo kung biglang dumating sa buhay mo yung taong matagal mo ng hinahanap?"

"Ano, ano bang sinasabi mo Lexus?"

May alam ba siya? Alam niya ba ang tungkol sa anak ko? Ang paghahanap ko sa lalaking kumuha at umuna ng lahat sa akin?

Para saan? Para saan ba ang mga tanong na ito?

"Shay, paano kung dumating ang ama ni SHon, anong gagawin mo?"

Katahimikan, yun lang ang tanging namayani sa aming dalawa. Hindi ko alam, hindi ko alam kung anong isasagot ko. At, paanong, nalaman niya ang tungkol dun?

"Paano mo..."

Mukhang nagets niya at bahagyang ngumiti.o umusmid

"Nasabi sa akin ni Ate, kaya Shay, sagutin mo ang tanong ko"

Napahinga ako ng malalim at napapikit. Iniisip ko pa lang yun, kinakabahan na ako. Pero,.....

"Ginusto ko yun Lexus, hiniling ko na may mangyari nung gabing yun. oo, hindi ako handa, pero kaya kong gawin ang lahat para kay Core"

Matiim siyang napangiti.

"Talagang, mahal mo siya nho?"

"Oo, sobra, pero, kung itatanong mo sa akin ang tungkol sa kanya, hindi ako galit, pero ayaw kong pumasok siya sa buhay ko, namin ng anak ko. Ipapakilala ko siya sa kanya, pero hindi ko siya, kahit kailan man, ibiigay sa kanya. Tama ng sinira niya ang buhay ko, sapat na sa akin ang anak ko"

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya, hanggang sa, unti unti siyang lumuhod sa unahan ko na siyang kinagulat ko.

"Le-Lexus, ano bang ginagawa mo, tumayo ka diyan"

Kahit anong pilit ko sa kanya, parang wala siyang naririnig, nakaluhod lang siya, hawak ang kamay ko at nakatingin sa akin.

"Shay, huwag mo namang gawin ito. Alam kong nagulo ko ang buhay mo, nasira ko ang pagkatao mo. PeroShay, hayaan mo akong itama ang mali ko, hayaan mo akong pumasok sa bagong kabanata ng kwento mo"

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon