Bloom's POV
"Ui Lady, here!"
Napatigil ako sa paglalakad nung bigla na lang may tumawag sa akin.
Lumapit sa akin ang isang bata at hinawakan ang kamay ko, napangiti ako, si Shon pala, anak nina Ate Lei at Kuya Kier. Sayang nga lang at hindi ko pa masyadong natatandaan ang lahat. Kaya, hindi ko matandaan kung kailan ba siya ipinagbuntis ni Ate Lei, at kung paano ulit sila nagkita ni Kuya.
"Halika, nandun si Mommy ko" sabay turo niya sa ride side.
.Hinatak niya lang ako ng hinatak hanggang sa makita ko si Ate Lei na katatapos lang sigurong makipagusap sa cellphone niya.
"Ui Bloom, tapos na ba ang play? Sorry ha, hindi ako nakapanood, kailangan ko kasing bantayan si Shon" sabay buhat nito kay Shon at ngite sa akin.
Paano niya nagagawang ngitian ako? Paano niya, nila, paano nila nagagawang magpretend sa harap ko? oo, ginusto ko ito, hiniling ko ito, pero bakit hinayaan nilang sa ganitong paraan babalik ang lahat.?
"Ayos lang ate Lei,nanduon naman sina Kuya Kier" ngumite din ako.
Sa mga oras na ito, gusto kong mapagisa, tumakbo, magpakalayo, pero para saan pa kung...
"Bloom"
Hindi ko maiwasang pigilan ang sarili kong umiyak, heto na naman, boses pa lang niya, pero, ang bigat, sobrang bigat, lahat lahat kasi bumabalik, akala ko, akala ko dahil sa ginawa ko nuon, hindi ko na ito mararamdaman, pero bakit, bakit nandito pa rin?
"Ui Core!"
Pinansin siya ni Ate Lei, pero nagpaalam na ako sa kanya bago tuluyang tumakbo, gabi na pala, kaya tumakbo ako sa lugar na akala ko hindi niya ako susundan, sa mini forest.
Bakit ba kasi niya ako hinahabol? Hindi niya ba maisip na gusto ko munang mapag isa, gusto ko munang hanapin ang tunay na ako, gusto kong kilalanin kung sino ba talaga ako.
"Bloom, sandali, Tumigil ka na, baka kung saan ka makapunta, BLOOM!"
Hindi ko siya inintindi, bagkus mas lalo kong binilisan ang pagtakbo, wala akong pakialam kung saan ako makapunta, kung saan ako makalusot, ang importante makalayo ako sa kanya,
Sa taong nanakit sa akin, sa taong inakala kong makakasama ko hanggang sa huli, sa taong....argh, bakit ba hindi ko mapigilang umiyak sa tuwing naaalala kong... minahal ko siya.
Tumakbo lang ako ng tumakbo, hanggang sa hindi ko na naririnig ang pagtawag niya at ang ingay ng sapatos niya, dahil dun, napahinto ako,
Sinapo ko ang dibdib ko, hingal na hingal, pero, ang sakit, ang sakit sakit pa din ng dibdib ko, ang mga alaalang yun, hanggang ngayon, parang kahapon lang nangyari,
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...
