Jury's POV
It's been a month simula nung nangyari ang gulo between sa mga tinuring ko nang kaibigan, but until now, parang malabo pa ding maayos.
Lumipas na ang araw ng kapaskuhan, at bagong taon, pero parang wala lang sa kanila, ni ang barkada nina Gino, parang walang buhay lalo na sa school at kapag may nagiging game sila, buti na lang hindi nila iyon dinadala sa loob ng court.
Pero mas naaawa ako kay Bloom, kahit kasi na sabihin niyang ok lang siya at ngumingiti na, nararamdaman mo pa din na nasasaktan siya. Lalo na nung nawala din si Core siya lang yata ang nakakaalam ng dahilan, ilang linggo namin siyang hindi makausap, kasi palagi lang siyang tahimik at nagiisa, pagdating naman sa relasyon nila ni Lexus, ayun, ok naman, pero tanging ngitian na lang sila, ni isang salita wala kang maririnig sa kanila.
Ang mas nakakainis lang, kumalat ang balita na si Lexus na daw at si Fhin, at si Bloom daw ang dahilan kung bakit naging sila, tss,
"Hey! Nakita mo ba si Bloom?"
Nandito ako sa may grand stand ng school, nakaupo, hinhintay ang mga kasama ko, may recollection daw kasi kaming fresh men for 3 days, kung saan? Walang nakakaalam, mukha kasing napansin ni Ms. Zhala na may tampuhan sa pagitan ng kapatid niya at mga kaibigan niya lalo na kay Bloom, kaya kahit iilang araw pa lang simula nung nagpasukan, heto at aalis kami,hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa ng recollection, mga college student na naman kami. At isa pa, hindi naman fresh men ang grupo nina Lexus, kaya halatang pinagplanuhan talaga. Isa pa, narinig ko ding na vacation lang daw ito,pinalabas lang nilang recollection.
"Hindi pa dumadating"
Tumango tango yung lalaking nasa harapan ko,naka kulay maroon siyang polo, pants, at rubber shoes, at mukhang bagong pakulay pa ang buhok niya.
Kung dati, hot lang ang tilian sa kanya ng mga babae dito, ngayon naman yummy, tsk.
Hindi ko nga alam kung paano ito nakalipat dito sa school namin, eh taga Memoirs University naman siya.
"Kung ganun, samahan na lang kitang hintayin sila"
Pabagsak siyang umupo sa tabi ko at nginitian ako bago siya tumingin sa ground.Tsk, feeling ko tuloy lahat ng babae sa amin nakatingin ngayon, letse kasi ang lalaking ito, pahamak.
"Tingin mo ba, may mapapala talaga tayo sa recollection na ito?"
Correction, vacation ito, hindi recollection.
Ilang minuto ang nakaraan bago niya sambitin ang linyang iyan.
Napatingin ako sa kanya, nakatingin lang siya sa ground, at medyo seryoso ang mukha.
SI Renz, oo, siya si Renz ng Memoirs univ, simula nung lumipat siya dito, siya ang naging sandigan ni Bloom, siya yung palaging kasama niya at nagpapangiti sa kanya.

BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...