Chapter 42 The day of REVELATION

88 7 0
                                    

Liyle's POV


"Tsss, ang sama ng acting mo! Imbes na maawa ako sayo, nakakainis kang tingnan"


"Haha, sabi ng hindi ako magaling sa ganito"


"Ahhhh, basta, ikaw dapat ang leading man"


Haixt, hindi tuloy ako matapos sa nilalaro ko, ang ingay ingay kasi nila dun, nagprapractice sila sa ipepresent namin bukas ng hapon, kaya ayun, parang torro na tuloy si Jury dahil hindi pa sila natatapos sa isang scene.

Buti na lang at ang papel ko lang dun, kasama lang sa barkada ni Renz.


"Hey guys! Tama na muna yan, kain na muna kayo!"


Ako yata ang kauna unahang tumayo at lumapit kina Bloom na dala ang meryenda namin, hindi kasi sila kasali ni Alen dahil galing daw sila sa sakit, isa pa, tumulong na naman daw si Bloom sa script, hindi ko nga akalain na yun ang kalalabasan, mukha tuloy makatotohanan.


"Mukhang gutom na gutom ka Liyle ah" 


Pumasok si Cav na dala dala naman ang inumin namin, uonga pala, hindi siya kasali dahil nagmamasteral na siya, kaya parang imomonitor lang niya ang mga estudyante.


"Hindi naman masyado" 


Lumapit si Core kay Bloom at tinulungan itong bitbitin ang mga dala nito, kaya, ako na ang lumapit kay Miss Skeleton


"Skeleton, ako na magdadala niyan, mangalas pa buto mo, kasalan ko pa"


Tiningnan niya lang ako, pero parang walang ekspresyon, minsan talaga nakakaloko ang tingin nito.


"Nakamightybond ang buto ko, wag kang magalala" sabay lakad nito papunta sa iba.


Ano daw sabi niya? Joke ba yun oh ano? Hay, Skeleton na nga ang katawan, pati joke, skeleton din.


Lumapit na ako sa iba at nakikain, pansin ko lang, itong si Core at Bloom, parang may something. Parang nagiging sweet na ewan, si Core, mukhang pumayat kumpara nung huli naming nakita, hindi ko lang alam kung bakit, oh baka ako lang ang nakakapansin dahil si Miss Skeleton ang lagi kong nakikita kaya feeling ko lahat payat na.


Matapos ang ilang minutong pagkain at kwentuhan, nagproceed na kami sa praktis, yung ilan na walang ginagawa, nandun sa gilid at inaayos ang props namin.


"Bloom, magiingat ka ha, baka mahulog ka!" sigaw ni Alen kay Bloom na nakatungtung dun sa parang hagdan. 


Pinipinturahan niya kasi yung isang props na gagamitin namin sa isang scene bukas.


"Hindi yan!" sagot nito.


Tsk, kahit kailan talaga, never akong hindi pinabilib ni Bloom, ang lakas ng loob na sabihing hindi, eh halata namang natatakot na siya, plus, pinagmasdan kong mabuti ang hagdan, mukhang anytime bibigay yung inaapakan niya.

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon