Bloom's POV
"Hanggang kailan mo ba ako balak iwasan?" garalgal na ang boses niya sa pagiyak
Pero nanatili pa din akong nakatalikod sa kanya at pinipigilan ang sarili kong yakapin siya.
"Masakit ang mga nangyari, kaya mas maganda kung ngayon pa lang,kalimutan mo na rin ako"
"Sandali"
"Please, naman, kalimutan mo na rin ako"
Blag!
Dinampot ko naman kagad ang plato na nahulog.
Natabig ko kasi,
Kasi naman, nakakaiyak yung pinapanuod ko.
Feel na feel ko pa na ako yung bidang babae hahaha.oo naawa ako sa bidang guy kasi kinalimutan siya ni girl.
Pero naawa rin naman ako kay girl kasi ang dami niyang sinakripisyo para sa lalaki. Hayy.
PPeeeep!
Bigla naman akong napatayo at napatingin sa labas.
Nandyan na pala si Lexus,.
Tumayo na ako ng tuluyan at pinatay ang t.v.
Oh di ba ang dami ko ng alam hahaha.
Hinintay ko siya hanggang sa lumabas siya sa pintuan ng.. anu nga yun, ele- elevator.
Tama!
Pagbukas na pagbukas ko ng pinto.medyo napaatras ako ng makitako siya
Hindi ko gusto ang amoy niya.
"Lexus"
Pagtawag ko sa pansin niya.
Wala pa ata kasing balak pumasok sa loob.
Medyo tulala pa at pinaglalaruan ang susi ng kotse niya.
Tumingin naman siya sa akin at bahagyang napangiti.
Naglakad naman sya papasok pero imbes na dumiretso sa kwarto niya, dun siya nagpunta sa maraming bote na ang babaho naman ng amoy.
Sinundan ko naman siya at umupo sa tabi niya.
"Gusto mo?" sabay alok niya sa akin ng isang bote.
Kahit hindi ko alam kung ano iyon, inabot ko pa rin.
Nung nasa akin na ang bote, bigla naman niyang ininom ang isa pang boteng hawak niya.
"Teka lang" pag pigil ko sa kanya habang hawak ang kamay niya na may hawak sa bote.
Tumingin naman siya sa kamay namin at sa akin.
"Hindi ka ba malalason kapag ininom mo yan?"
Napakunot naman ang noo niya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Hanggang sa tinitigan niya ako.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.kaya Umiwas naman ako ng tingin at agad na binitiwan ang kamay niya.
"Aa-hh KAsi ano, di ba dapat, malinis yung iniinom natin? Yan kasi ma-may kulay"
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.
Anong nangyayari sa akin?!
Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa, pero agad ding nawala dahil naging seryoso na naman siya.
"May problema ba?!"
tanong ko sa kanya.
Pero umiling lang siya.
Buong oras wala kaming ibang ginawa kung hindi umupo lang at manuod.
Ako, tawa lang ng tawa, pero siya inom lang ng inom.
Kahit nakakatawa na, seryoso pa din siya.
"NAgmumukha na siyang tanga"
Napalingon ako sa kanya nung bigla siyang nagsalita.
Uminom na naman siya at seryosong tumingin sa t.v.
"Huh?!" tanong ko sa kanya.
"Yung lalaki, nagmumukha na siyang tanga sa kakasunod sa babae. Eh halata namang ayaw na sa kanya"
Napatango naman ako sa sinabi niya.
Totoo naman eh, nagmumukha ng tanga yung lalaki.
Sinabi na kasing bad influence yung babae eh.
"Bakit ba kasi may mga babaeng ayaw na lang sabihin na di nila gusto ang lalaki. Hindi yung nagpapaasa sila at ipapamukha ng harap harapan na ayaw nila sa lalaking yun"
This time humarap na talaga ako sa kanya.
Uo nakatingin siya sa t.v na parang hindi.
Ang lalim ng iniisip niya.
Parang may gumugulo sa kanya.
"Lexus, may problema ba?!"
Hinawakan ko yung kamay.
Tumingin naman siya sa akin.
Ang lungkot ng mga mata niya.
"Kung meron ba, tutulungan mo ba ako?!"
Ngumiti naman ako at tumango,
Tinutulungan niya ako, kaya dapat tulungan ko din siya.
"Pwede bang, huwag mo kong iiwan"
Tumango naman ulit ako.
Hindi ko kayang iwan ang taong bumubuo ng kung sino ako, ngayon.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinatak at niyakap.
"Lexus"
"Sshh, kahit ngayon lang, hayaan mo akong yakapin kita ng ganito."
Hindi na ako sumagot pa.
Naramdaman ko na naman ang bilis ng pintig ng puso ko,
At pakiramdam na parang may kuryente sa loob ng katawan.
Palagi ko naman itong nararamdaman sa tuwing kasama ko siya.
At lumalala yun araw araw.
"Mahal na mahal kita"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
MAhal?!
Ano ba yun?
Di ba, sinasabi lang yun sa taong gusto mong makasama habang buhay.
Bakit niya sinasabi sa akin ito ngayon.
Mahalaga ba ako sa kanya?!
"...Fhin"
Inalis niya ang katawan niya sa pagkakayakap sa akin.
Hinawakan niya ang mukha ko at tiningnan ito ng mabuti.
Hanggang sa nakita ko siyang paunti unting lumalapit sa akin.
At hanggang sa nararamdaman ko ang bawat paghinga niya.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...
