(A/N: So, Iuunder MAJOR EDITING ko po ang mga naunang chapters, specially yung sa Chapter 1 to 20 kapag natapos ko na. Gusto ko po kasing mas malinawan kayo lalo na at nalalapit na ang katapusan eh baka maguluhan kayo ^_^ Enjoy reading guys )
Shay's POV
"Oh, bakit hindi maipinta yang mukha mo?"
Umupo si Ate Elaine sa tabi ko at sinuklay ang buhok ko, napabuntong hiningana lang ako. Maya maya lang susunduin na ako ni Core, malay ko nga kayLexus kung bakit pumayag. Bukas na nga ang kasal namin pero kungkanikanino lang ako pinapasama -_-
"Wala po, medyo... medyo nagtataka lang ako"
"Saan? Dahil ba pinayagan ka ni Lexus na sumama kay Core?"
Lumabas si Ate Lei mula sa cr na may dalang dalawang dress , nandito kasisila pareho sa kwarto ko. Ewan ko nga sa dalawang yan kung bakit, alamnamang mag aayos pa ako dahil dadating na si Core mamaya.
"yeah.. pero hindi lang yun eh"
Tumabi din sa akin si Ate Lei at inilapag sa tabi ko yung mga dress na dala niya.
"Ano pa ba ang pinagtatakahan mo?"
Napahiga naman ako sa kama at napatingin sa kisame. Nuong nakaraang araw pa ko nakakaramdam ng ganito pero hindi naman ako sigurado.
"BAkit ganun si Core? Pati si Lexus, pareho silang hindi ko maintindihan"
Hinawakan ni ate Lei ang kanang kamay ko.
"Wag mo ng isipin yun, bukas makakasal na kayo ni Lexus. Kaya kung ako sayo, tapusin mo na ang kung anong meron kayo ni Core"
ANg bigat, sobrang bigat ng damdamin ko nung sinabi niya yun. ANo nga bang meron kami? Hindi ko din alam. Pero ang isiping mawawala siya sa akin, yun ang talagang nagpapakabagabag sa akin.
Tok!Tok!
Isang maliit na gwapong mukha ang dumungaw mula sa pintuan ko, napangite ako. Umupo na ako ng tuluyan nung lumapit ito sa akin.
"Daddy C is here, dapat kanina ka pa ready. Tsk, girls thing really sucks"
Napalaki naman ang mata ko at inilapat ang daliri ko sa bibig niya,napakunot naman ang noo ng gwapo kong anak.
"Where did you learn that sucks word?"
"From Tito Liyle, he always cuss, you know"
Napailing na lang ako. Sinabihan ko naman sina ate Lei at Ate Elaine na magbibihis muna ako. Nakaligo na naman kasi ako at nakaayos, ewan ko nga kay Ate Lei kung bakit iniinssist niyang mag dress ako, eh ayos na naman yung simpleng shirt and pants lang.
Bumaba na din si Shon para kausapin si Core ng hindi daw ito mainip. NAku,lagot talaga sa akin si Liyle, kung anu anong tinuturo sa anak ko.
After less than five minutes, lumabas na ako sa cr suot yung isa sa dress na inilapag ni Ate Lei, medyo naaasiwa nga ako pero, gusto niya kasing ito ang suot ko.
Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Nakamessy bun lang ang hair ko, tapos nag powder lang ako at nag lipstick. I am wearing royal blue dress, fitted yung taas at sleeveless, tas pag dating sa baba medyo papencil cut ito, At tinernuhan ko lang ng white dollshoes.
HUminga muna ako ng malalim saka kinuha yung pouch ko at lumabas sa kwarto. Kinakabahan ako, daig ko pa ang isang teenager na first time makikipagdate at sinusundo ng boyfriend niya.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...
