Chapter 24: Tiyanak!

185 10 1
                                        

Bloom's POV

"Bakit nandito tayo?" nginitian niya na lang ako  tapos naunang maglakad papasok.

Sarap ding itapon ng isang ito eh, dinala dala ako dito tapos iiwan.

"Sandali" tumakbo na ako hanggang makalapit sa tabihan niya.

Hindi man lang ako pinansin, tsss.

Lakad lang kami ng lakad dito sa mall daw, ewan ko nga kung saan kami pupunta at kung anong bibilhin.

Akala ko uuwi na kami, yun pala, dadaan pa dito.

"Ano bang gusto mo?" tanong niya sa akin na di man lang lumilingon.

"Huh?" bakit niya tinatanong kung anong gusto ko?

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.

"Wala akong maisip na panregalo sayo eh"

Tiningnan ko naman siya at ngumuso ako.Narinig ko na naman siyang nagtss

"Akala ko ba may regalo ka na sa akin? Di mo ba naaalala yung s*x?"

Pulang pula na naman siya tapos bigla na lang akong hinila.

Ang ewan din talaga nito.

"Ako na nga lang pipili, abnormal ka nga pala"yan na naman siya sa abnormal niya, sinabi ng Bloom eh.

Lakad na naman kami ng lakad hanggang sa...

Bumitiw ako sa kanya at tumakbo dun sa higanteng nilalang na kulay pink sabay yakap. Yung may malaking tainga, yung napanuod namin ni Lexus nuon.

"Waahhhh, bakit nandito ka? Bibigyan mo na ba ako ng cake?" Tiningnan niya lang ako.

"Bakit hindi ka nagsasalita? Asan na yung cake ko?"

T_T ako------- {'o'} siya

"Ano bang ginagawa mo?" kumalas ang pagkakayakap ko sa nilalang na yun.

Ang liiit liit niya sa higanteng t.v tapos, halos kasing tangkad ko lang pala.

"Tss, gusto mo ba yan?" tanong sa akin ni Core, pero hindi ko siya pinansin.

"Hui, ano, gusto mo ba yan? Bibilhin ko para sayo" kukunin niya na sana pero pinigilan ko siya.

"Bakit?"

Tiningnan ko ulit yung nilalang na yun, di pa rin siya kumukurap at nagsasalita.

Sinamaan ko nga siya ng tingin, ang damot damot niya. At ang sama ng ugali, di man lang namamansin.

"Ayaw ko nga sa kanya, di ako pinapansin" hinatak ko na si Core pagkakasabi ko nun.

[A/n: Sa hindi po nakakaalam, teddy bear na piglet ang tinutukoy niya ^_^]

Narinig ko na lang na nag 'hay' si Core, pero nagpapahatak naman.Hatak lang ako ng hatak, hanggang sa napagod na ako.Tumigil ako, ganun din siya.

"Bakit ka tumigil?"Tanong niya.

Tiningnan ko siya, parang pagod na pagod tapos parang sama makatingin.... katakot -_-

"Pagod na ako eh"

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon