Chapter 23: He's Back

169 12 3
                                        

Bloom's POV

"Tara na bessy, dali" dahil ayaw ko namang mahatak niya paalis, binilisan ko na lang ang pagliligpit ko sa gamit ko.

"Bakit ka ba nagmamadali bessy?"

Tumingin naman sa akin si Siara at ngumiti,eehhh, bakit parang timang siyang ngumiti?

"MAnunuod tayo ng praktis game ng basketball team natin"

"Ano bang meron dun?"

Kinuha ko na yung paper bag na binigay sa akin ni Siara, andun daw sa loob yung regalo niya sa akin, mamaya na lang paguwi ko bubuksan.

Tapos ko ng ligpitin ang mga gamit ko nung nagsalita siya.

"Ah basta, tara na, daliii" sabay hatak niya sa akin palabas ng room.

Hindi na ako pumalag at hinayaan siyang hatakin ako, baka mamaya itapon pa niya ako eh,

Pagdating namin sa labas ng dyim daw, ang daming estudyante ang nasa labas, sigurado akong, marami na din sa loob.

Kanina pa kasing umaga pinaguusapan yang praktis game na yan, kaya hindi na ako magugulat sa dami ng manunuod.

Ang alam ko nga, kasali daw diyan sina Lexus at Core. Pero, sigurado naman akong wala si Lexus kaya wala akong gana.

Kaso nga lang, itong si Siara, mapilit eh.

"Dali na bessy" hindi ko alam kung may lahing halimaw ang bessy ko at ang bilis bilis niyang nakakalusot sa siksikan ng mga babae papasok.

Buti na lang hawak niya ako kaya ang bilis ko ding nakapasok.Pagdating namin sa loob, hinatak naman niya ako pababa hanggang sa may upuan.

Umupo na lang ako, tapos siya, nakatayo lang at sigaw ng sigaw.

Tumingin ako sa paligid ko, karamihan mga babae, may hawak pa silang banner tapos sigaw din ng sigaw.

"GO NO. 2"

"GO. NO.3"

"KAYA NIYO YAN"

"KYAAHHHHHH"

Sino bang mga sinisigawan nila?

Tsaka, kailangan ba talagang sumisigaw pag nanunuod ng laro?sumandal na ako sa upuan ko at pipikit na sana, ng marinig ko ang pangalan ng isang taong, miss na miss ko na, kahit halos magdadalawang araw pa lang na hindi ko siya nakikita.

"ANG HOT MO TALAGA PAPA LEXUS"

"KYAAHHH GO CAPTAIN ZHALA"

" I LOVE YOU LEXUS"

Si Lexus?

Nandito siya?

Tumayo na din ako at tumabi kay bessy.

Tumingin ako sa court daw ang tawag dun, at nakita ko ang 10 manlalaro, isang grupo ng nakaitim, yung isa naman, puti. Sa school namin yung black.Hinanap ko naman sa court si Lexus, at ayun, siya yung may hawak ng bola.

"Bessy, magcheer ka naman para sa school natin" sigaw sa akin ni bessy.

Ang ingay kasi.

"Cheer? Paano?"

"Eh di sumigaw ka, parang ganito, GO ZHIE UNIVERSITY"

Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon