CHAPTER 44: (PART II)

76 7 0
                                    

-Scene 4-


Sa isang bar


Gino: Ikaw ang girlfriend ni Core di ba?


Bloom: Oo, bakit?


Gino: Sumama ka sa akin


Bloom: Saan tayo pupunta?


Gino: Kailangan ka ni Core


Nagsimulang maglakad ang dalawa, sumarado ang kurtina ng stage, at pagbukas, nandun ang isang pinto.


Bloom: Teka, nasaan ba talaga si Core?


Ngumite lang si Gino at hinayaang magbukas si Bloom ng pinto, tulad ng nasa script, pag bukas ni Bloom, makikita niyang nakahandusay sa kama si Core at duguan,


{Bloom: Tulad nang imaheng nakita ko nuon, bakit ba nakikita ulit kita ngayon? Nangyari ka ba nuon? Paano? Bakit? Kanino?}


Hanggang sa mga oras na yun, walang ideya sina Gino kung sinong pumalit kay Renz.


Tumakbo si Bloom palapit kay Core, at tulad sa script, pipigilan siya nina Gino at Liyle.


Liyle: Gotcha!


Bloom: Bitiwan niyo ako!


Ayon sa script, kailangan umiiyak si Bloom, pero alam niya, simula pa lang, hindi niya kayang umiyak o umarte, pero nung nakita niya si Core, duguan at walang malay, hindi niya alam, pero sobra siyang nasasaktan kaya kusang lumalabas ang mga luha niya sa mata.


Blag!


Biglang lumamlam ang ilaw sa stage, ayon sa script dapat dadating si Renz,


Lexus: "Stop Thinking of him" sabay hawak nito sa mukha ni Bloom


{Bloom: Bakit si Lexus? Nasaa si Renz?}

{Lexus: Bwiset na Jury yun, kamalayan ko dito, hindi ko solo ang line, bahala siya}


Bloom: Why are you doing this?


Nakatingin lang si Bloom sa kanya, nagtataka.


Lexus: Nakakaawa ka *sabay alis ng pagkakahawak sa mukha ni Bloom habang pailing iling*


Bloom: What?


Naglakad si Lexus papunta sa kama kung saan nanduon si Core.


Lexus: Masyado ka naman yatang loyal kay Core.


Ang Babaeng Out of this World!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon