Core's POV
"Are you sure na hindi mo pa siya nakikita?"
tiningnan ko naman siya nang nakakunot ang noo.
Bakit ba ang kulit ng babaeng ito.
"Sinabi ko na di ba, hindi ko pa siya nakikita"
Tiningnan ko ulit yung picture na hawak niya.
Kanina ko lang yun tiningnan pero hindi ko na ulit inulit.
Eh sa hindi ko kilala eh bakit pa ako magsasayang ng panahon.
"Mrs. Lasheras"
sabay kaming napalingon dun sa nagsalita mula sa pintuan.
Nandito nga pala ako sa office nang Mrs. Lasheras na ito, at hindi ko alam kung bakit.
Lumapit naman sa kanya yung lalaking tumawag sa kanya at may binulong.
Maya maya lang nakita ko ang pagbuntong hininga niya.
Humarap siya sa akin.
"You may go now"
Tumango na lang ako at nagmadaling lumabas.
Paglabas na paglabas ko, naginat kaagad ako.
Haaayyy!
Ibang klase naman ang school na ito, kakapasok ko pa lang naoffice kagad.
ganun ba talaga ako kagwapo at pati mga guro dito gusto akong makilala?!
Napangiti naman ako sa ideyang pumasok sa isipan ko.
Pero agad ding nawala nang bigla na lang may rumihistong pigura ng isang babae sa utak ko.
Ilang beses na ito nangyari, at hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang kabuuan ng mukha niya.
Dahil, tanging pangalan lang niya ang naaalala ko.
Dumiretso naman kaagad ako sa may garden ng school na ito.
Wala ako sa mood umatend ng mga klase eh bakit ba.
Aakyat na sana ako sa may puno ng bigla na lang maylumitaw na babae malapit sa mga bilog na mesa.{kasama siya sa garden}
Nakatalikod lang siya at palinga linga sa paligid na parang may hinahanap.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
ComédieWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...
