Bloom's POV
"Tss, gabing gabi na, ngayon ka lang umuwi? Tingin mo porket 20 ka na, pwede mo nang gawin ang gusto mo? Hay naku Bloom, nawala lang ako saglit, tsk"
Napayuko na lang ako at napa >3< , nakakatakot kaya siya, atsaka, kanina pa siya dumaldal ng dumaldal, galit na naman yata siya sa akin, waahhh, kauuwi niya lang, galit na naman.
"Stop that Lexus, tinatakot mo siya"
"Tss" napansin kong nawala sa mood si Lexus tapos pumasok sa room niya.
Waahhh, galit na naman siya.
"Yaan mo na yun, panget siya eh"Tiningnan ko lang si Ate Elaine na nakangiti sa akin, tapos hinug siya.
"Waahhhhh, sabihin niyo pong bati na kami"
Tumawa lang siya nun pero niyakap niyadin ako.
Kung alam ko lang sana na nandito na si Lexus, eh di sana pinilit ko si Core na umuwi na kaagad.
PAgdating kasi namin, nakabantay na si Lexus sa labas ng pinto na masama yung mood, tapos si Cav naman, blangko lang.
Nakita ko nga din si Ate Elaine eh, siya daw yung ate ni Lexus.
Alam niyo bang tuwang tuwa ako nung nalaman kong ate pala niya yung nakita kong kasama niya kanina sa dyim, ahihihi.
"Yaan mo na yun, kain na lang tayo" hinatak na ako ni Ate elaine tapos pumunta kami sa kusina, ang daming handa, T_T
"San ba kayo nagpunta?" tanong ni cav habang kumakain.
tingnan mo ang isang ito, nauna pa sa akin.
"DUn sa sementeryo"
Umupo na din ako katapat nila,waahhhh, naiiinis ako, galit na naman sa akin si Lexus, ayaw naman kasing magpaliwanag ni Core eh, waaahhh...
Alam niyo bang pagdating namin, imbes na magpaliwanag siya kay Lexus, dumiretso lang siya dun sa guest room daw yun, kasi inilipat na yung gamit nila ni Cav dun tapos nagkulong siya dun.
Ang Bad niya, iniwan niya si Birthday girl
"Anong ginawa niyo dun?"
Tiningnan ko silang dalawa ni Ate Elaine.
"Binisita daw yung someone special niya"
Kumuha na ako ng plato at naglagay ng pagkain, ibubuhos ko na lang dito ang sama ng loob ko huhuhuhu.
"Sino?" sumubo muna ako ng isa bago sila tiningnan.
"Si Shay" nagpalitan naman yung dalawa ng kakaibang tinginan saka ako tiningnan ulit.
Ang ewan nila, kumain na nga lang ako.
Lexus POV
"Tss, Cancel na nga di ba?... Eh di kayo na lang pumunta...Wala akong pakialam kung ilang babae ang dalhin niyo...Tss, bahala kayo" i hung up.
Tss, sinabi na ngang cancel yung party, ang kulit.
Inayos ko na lang yung pagkakahiga ko sa kama at pinagmasdan yung letter na ibibigay ko sana sa kanya,tss, useless.
Ginusot ko yun at shinoot sa basurahan.Hoohh, tengene, yung mga effort ko nawalang parang bula?
Hooh.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...