Nakalabas na din si Core mula sa hospital, pero hindi siya umuwi sa bahay na tinutuluyan nila. Nagrent siya ng condo at dun muna namalagi, minsan minsan siyang binibisita ni Cav, ayaw din kasi ni Core na palagi itong pumupunta duon.
Matapos ang eksenang nangyari sa hospital, hindi pa ulit sila nakakapagusap ni Shay, hindi sa ayaw niya, kung hindi dahil kumalat na din ang nakatakdang pagpapakasal nito kay Lexus.
Nung una, aminado siyang ayaw niyang pumayag at gagawin niya ang lahat para makuha muli si Shay,pero sadya nga talagang nakatadhana na hindi silang dalawa ang magkakatuluyan. Kaya kahit masakit sa kanya, nagpaubaya siya, hindi dahil sa suko na siya, kung hindi dahil yun ang mas makakabuti.
"Ilang araw ka ng nagkukulong dito, wala ka bang balak na lumabas man lang?"
Pinuntahan siya ni Alen. Kahit papaano naman naging close din sila, kaya isa din ito sa nakakaramay niya. Isa pa, may alam ito tungkol sa kanya na hindi alam ng iba.
"May magbabago ba kung lumabas ako?"
Aminado si Alen na wala na ngang makakatulong sa kanya, pero..... hay, napabuntong hininga na lang ito at tinuloy ang pag inom niya sa tsaa niya. Pinagmamasdan niya si Core habang nakaupo lang ito at nanonood ng tv.
"oonga pala, dapat ngayon kasama ko sila, inaayos na kasi nila ang mga gagamitin sa kasal. Alam mo naman sigurong sa makalawa na ang graduation, kaya a week after noon, magpapakasal na sila"
"Alam ko"
Tumayo ito at dumiretso sa kusina.
"Wala ka ba talagang gagawin? Hindi mo ba sasabihin sa kanila ang totoo?"
Sobrang bigat ng pakiramdam ni Alen, sa lahat ng nalaman niya, palagay niya mali lahat ang nagyayari.
"Umalis ka na, hinihintay ka ni Shay"
"Pero Core...."
"Ayos lang ako Alen, salamat"
Naging palagay ang loob ni Alen ng ngumiti ito kaya wala din itong nagawa kaya nagpaalam na din itong umalis.
Pag alis ni ALen, pinatay nito ang t.v, ramdam niya ang tahimik na bumabalot sa buo niyang kapaligiran, alam naman niyang wala na siyang dapat pang gawin, umaayon naman ang lahat sa gusto niya,kaya ngayon pa lang sinasanay niya na ang sarili niya sa tahimik na mundo.
Papasok na siya sa kwarto niya ng may marinig siyang nagdorbell, bukod kay Alen, si Cav at Renz lang ang may alam sa condo niya, at isama mo pa nga pala si Clark, na simula nung magpakita uli sa kanya ay halos araw araw na nitong kasama.
Pagbukas niya ng pinto, hindi niya napigilang mapangiti, hindi niya alam kung dahil sa inis, o dahil sa galit. Hindi niya inaasahang sa lahat ng tao ito pa ang magaaksaya ng oras na dalawin siya.
"Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?"
Nginisian niya din ito, maya maya lang ay may inabot itong puting envelop. Tiningnan lang muna ito ni Core saka niya kinuha at tiningnan uli si Lexus.
"Hindi mo naman siguro mamasamain kung hindi na kita papapasukin, hindi ko kasi pinapapasok ang hindi welcome"
"Wag kang magalala, ayos lang sa akin. Idinaan ko lang talaga yan dito, sa totoo nga niyan, papunta na ako sa botique kung saan kami kukuha ng suit para sa kasal"
Tumango lang si Core, tinalikuran naman siya ni Lexus, pero nakakailang hakbang pa lamang ito ng tumigil, hindi siya lumingon.
"Oonga pala, kung ayos lang sayo, ikaw ang ginawa kong best man. Gusto kong nandun ka sa araw kung saan mapapasaakin na ang babaeng dapat ay matagal ng pag aari ko"
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...
