Bloom's POV
Ngayon na yung araw na pinakahihintay daw ng lahat ng estudyante dito. Yung tinatawag nilang basketball game.KAya halos magkalat na ang mga estudyante dito pati ang mga taga ibang school.Yung Memoirs University daw na kalaban ng school namin.
Tutal, mamaya pa daw 10 ang simula, maaga pa kaya dumiretso muna ako sa garden.
SI Siara kasi, busy daw, nakaasign daw ang org nila sa pagmamanage sa gym. Tapos yung triplets naman, gumagawa ng banner, magchcheer daw sila. Naaalala ko tuloy nung nagcheer ako nung sa practice game nila, ngayon kaya, magchecheer ako?
Hayyy.
Napasandal ako sa upuan at napapikit.
Iniisip ko kasing icheer si Lexus pero, nagaalangan pa ako. Ito kasing mga nakaraang araw, bihira ko na siyang makita. Gigising ako sa umaga tapos siya, paalis na at may praktis daw. Tapos sa school, palagi ding busy.
Buti pa yung mga kaibigan niya, nakakausap ko pa. Dumagdag pa yung tatlo kong kaklase kaya hindi ko masyadong dinadamdam ang pagkawala ng presensya niya.
"Are you breaking up with me?"
Napamulat ako at nabaling ang atensyon ko sa isang babaeng sumisigaw hindi malayo sa kinaroroonan ko.
Mabuti na lang kakaunti ang tao dito sa may garden, kaya sure akong wala masyadong nakapansin dun.
Pinagmasdan ko yung babae, mukhang sa med department siya, all white kasi yung uniform eh --.--
"Well, kung yun ang tawag mo dun then, yes, im breaking up with you"
Pumukaw sa atensyon ko yung lalaking nakatalikod mula sa direksyon ko.
Hindi ako pwedeng magkamali, sa boses niya, kilala ko siya, at kung hindi ako nagkakamali siya si...
"But Liyle.."
sabi na eh!
Akmang hahawakan siya nung babae pero lumayo siya.
Magsasalita na sana ulit yung babae nung magsalita si Liyle.
"Stop pesting me ok? I like somebody else, so, get lost"
Ano daw?May gusto na siyang iba?Sino naman yun?
Wala naman akong nababalitaang may nagugustuhan siya ah, well malay niyo, nagayuma ang isang ito ---,---
At isa pa, may gusto ako para sa kanya, ahahaha, akin na lang kung sino.
"Sino siya Liyle? Sino?" halos maghisterical na yung babae sa pagtatanong kay Liyle.
Pero nagsimula nang humakbang si Liyle papunta sa direksyon ko.
Natakot naman akong baka makita nila ako kaya agad akong tumayo at tumalikod, magsisimula na sanang maglakad ng bigla na lang may humatak sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Siya, siya ang babaeng gusto ko"
Gusto kong suntukin si Liyle oh kung ano man, pero hindi ako makakilos, bukod sa hawak niya ang kamay ko, natatakot ako sa tingin nung babaeng nasa harapan ko
Bwiset na Liyle ito, dinamay pa ako.
"Miss hin-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla na lang nagsalita yung babae bago niya kami tuluyang tinalikuran at nagsimulang maglakad.
"You'll pay for this"
Hindi pa man nakakalayo yung babae nung narinig kong tumatawa yung katabi ko, kaya agad kong hinatak ang kamay ko at hinampas siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/14078449-288-k984419.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Out of this World!
HumorWhat if one day may dumating na isang nilalang na parang bago lang sa mundo? Yung tipong, parang unang tao lang. Yung taong kailangan mo pang turuan dahil parang bagong silang na sanggol? Posible kayang mahulog sila sa isa't isa? o Posibleng OUT OF...