Sa di inaasahang pagkakataon ay nahampas ng malakas ni Kysler si Sky kaya napatilapon ito sa isang puno na siya namang nabali din dahil sa lakas ng pagkakatilapon nito. Bumangon agad ang binata at tumakbo ng mabilis papunta sa direksyon ni Kysler habang pinupunasan ang pumutok na ibabang bahagi ng labi niya. Hindi naman din nagpatinag si Kysler kaya tumakbo rin siya papalapit sa binata habang dala dala niya pa rin ang malaking sanga. Habang papalapit ang dalawa sa isa't isa ay biglang naglaho ang binata kaya napahinto si Kysler.
"Putang ina mo, Sky! Lumabas ka!" Sigaw ni Kysler. Maya maya ay itinapon na nito ang hawak na sanga.
Tahimik ang paligid. Lalong kinuyom ang mga kamay nito sa pagkainis at galit sa binata.
"Sky! Lumabas ka! Are you that coward?!" Inikot nito ang mata sa paligid na siya namang labas ng binata.
"Nandito ako, tanga!" Lumingon si Kysler sa likod niya pero nasipa naman siya agad ng binata sa mukha kaya tumalsik siya sa katawan ng malaking puno na biglang sugod naman ulit ng binata at pinagsusuntok sa mukha.
Hindi nakapalag si Kysler sa mga suntok ng binata. Pero hindi siya pumayag, sinipa niya ang tiyan ng binata kaya napaatras ito. Ngumisi ito habang dinidilaan ang dugo na nanggaling sa putok niyang labi.
"Dirty tactics huh?" Mayabang na lumakad ito papalapit sa binata habang nakangisi.
Umayos naman ng tayo ang binata at pinag-papagan ang damit niyang nadumihan dahil sa tadyak ni Kysler.
"The way you talked its like you'd never used dirty tactics against me." Ngumisi din ito na siya namang kinainis lalo ni Kysler. "What do you call that?" Itinuro nito ang sanga na ginamit ni Kysler na panghampas sa kanya. "Sinong duwag ang gagamit niyan?"
Lumakad din ang binata papalapit kay Kysler hanggang sa magkaharap at magkalapit na sila sa isa't- isa.
"Duwag ka ba kaya gumamit ka ng sanga?" Yumuko sa pagtatawa ang binata saka tumingin na may halong pang-uuyam kay Kysler. "Tangna dude. Para kang bata."
Humalakhak naman si Kysler at umiling-iling pa.
"Puta. Para ka ding bata na naglalaro ng hide and seek." Sabi ni Kysler at tumingin ng matalim sa binata. "Tol, pangbakla lang yon." At saka humalakhak ulit.
Yumuko ulit ang binata at humalakhak ng parang demonyo at tumingila sa paghalakahak sabay sapak sa mukha ni Kysler na nagpaatras sa kanya.
"Too bad, I'm not gay." Lumakad ng bahagya ang binata papalapit sa lalaking matalim ang tingin sa kanya. "Do you wanna know who's gay? Come on, ask me."
Hindi kumibo si Kysler.
"You're speechless and expressionless huh? Okay listen up, I'll tell you." Humawak sa balikat ni Kysler ang binata. Hinampas niya ito ng bahagya.
"Sino bang bakla ang ginamit ang mga mahal sa buhay ko para takutin ako? Kilala mo ba? Tangna. Napakabakla naman. Gagamitin pa ang mga taong mahalaga sa buhay ko para lang mapapayag ako. What a gay move." Humahaklak uli ang binata pero.
"Fvck you!!!!" Sumugod si Kysler ng suntok sa kanya. Sinunod-sunod na niya ng suntok ang binata sa tiyan pati na ang mukha nito.
Sabog ang nguso ng binata at patuloy na dumudugo ito dahil sa patuloy na pagsuntok ni Kysler. Hindi makaganti ang binata. Wala siyang magawa dahil sa sunod-sunod ng pagbanat sa kanya. Aware ang binata na malakas nga talaga si Kysler dahil malalakas ang banat at birada nito sa kanya. Aminado din ito na mahihirapan siya sa laban nilang ito.
"Ano?!!! Lumaban ka?!!!" Sinakal ni Kysler ang binata kaya hawak-hawak ng binata ang kamay ni Kysler para pigilan ang bawasan ang higpit ng pagkakasakal sa kanya nito.
BINABASA MO ANG
Clawed Hearts
WerewolfSky Tregobouff is one of those living proofs that werewolves still exist. Sky is the one and only heir of King Gregory's crown and power. His family belongs to the Purebloods and they are an Alpha: The most important and most powerful werewolf in th...
