Chapter 10

762 36 2
                                    

"Ang sungit mo ba."

"Sino ba kasing hindi magsusungit sa isang katulad mo?!"

Tumalikod siya sa akin at narinig kong bumuntong hininga siya.

"G-gusto ko lang naman kasi sanang ayain ka na" Bumuntong hinga uli. "Na na sumabay ka na sa a-akin pauwi."

Napatigil ako sa ginagawa ko. Napangiti ako sa sinabi niya, nakakapanibago pero ang lakas ng epekto sa akin ng sinabi niya.

"S-sorry." Pagkasabi niya nun ay umalis na siya.

Anong nakain ng freak na yun? Dali dali ko ng inilagay sa bag ko ang mga gamit ko at hinabol ko siya sa may corridor.

"Huy!" tawag ko sa kanya.

"Ano?"

"Di ba sabi mo, ihahatid mo ako pauwi?"

"Wala akong sinabing ganun."

Lumakad ako ng mabilis para harangan siya. Pero umiwas siya ng tingin sa akin.

"Ano?"

"Bat hindi ka makatingin sa akin?"

Hindi niya ako sinagot at hinila na lang niya ako papalabas.

"Asan ang sasakyan mo? Wag mong sasabihing maglalakad tayo."

Hindi na naman niya ako sinagot. Tungunu. Napipi na ata.

Umupo na lang siya sa bench katabi ng fountain. Nakapandekwatro. Upong mayaman talaga. Tsk.

Tinitigan ko siya. May hawig pala siya kay Lee Min-Ho na pinapayat at pinaputi lang. Mas maitim ang buhok niya. Waaaaaaah! Ampogi! *0*

Kaso uncircumcised. HAHAHAHAHAHA! XD

"Anong tinitingin tingin mo diyan?!"

Ay palaka! Napansin pa pala niya yun.

"Naga-gwapuhan ka sa akin no?" Sabi niya na nakapoker face.

"Kapal mu! Sa fountain ako nakatingin!"

"Oh sige sabi mo eh."

Kapal talaga. Masyado mag-feeling. Eh gwapo naman talaga. HAHAHAH!

"Ano bang gagawin naten dito? Tutunganga?!"

"Tumahimik ka diyan."

Ano ba yan. Asan yung malambing at thoughtful na freak kanina sa room? Alien lang ba yung kanina. Ay ewan.

"Hoy, bat nakatunganga ka diyan?! Hindi ka pa ba sasakay?"

Napalingon naman agad ako at Uwoooooooooow? Tumambad sa akin ang nangingintab na silver Porsche. Hinipo ko kaagad ito. Waw. Ang dulas dulas. Ang ganda ganda. 

"Wag mo ngang hawakan yan! Pag yan nagasgasan, kulang ka pa sa pambayad niya."

Tinirikan ko ng mata. "Sus. Arte."

"Ano? Bat nakatunganga ka pa rin?! Feeling mo pagbubuksan kita ng pinto. Asa."

Narinig ko naman na natawa yung driver. Bwiset lang. Pumasok na lang ako sa loob ng kotse niya.

Para kaming tanga sa loob ng kotse. Siya nasa kabilang side ng bintana tapos ako din. Ang daming space sa gitna namin.

Maigi na yun kesa makatabi tung freak na to, baka kasi makarating ako ng bahay namin eh buntis na ako.

"Ah miss. San po kayo?" Tanong ng driver.

"Sa 4th street."

"Hindi. Sa bahay ko siya."

Napatingin naman agad ako kay freak.

"ANO?!"

"BINGI KA BA?! SABI KO SA BAHAY KO MUNA IKAW TUTULOY!"

"EH BAKIT?! WALA NAMANG BAGYO AH?!"

"MAGKAKAMERON NA NGAYON."

Pareho kami nung driver na nanlaki ang mata. Kailan pa siya naging weather forecaster? Aber?

Mamaya ay umulan na ng napakalakas. Tungunu! Nabubuwal pa ang mga puno. May pagkamanghuhula ba si freak? 

"Master! Ang galing! Tama nga ang sinabi niyo."

"Focus on driving."

Napakacool naman netong freak.

"Aye! Aye! Captain!" With hand gesture pa si Kuya driver.

Ilang minuto rin ang inabot ng byahe. Halos mabilaukan ako sa laki ng gate nila. Tapos ang laki laki laki ng bahay! Waaw Mansion na ata to! May fountain pa sa harapan ng mansion at nakuha niya ang atensyon ko. Kasi di ba karaniwan naman na angels o swan ang nasa tuktok ng fountain? Dito kasi kina freak. Lobo eh. As in wolf.

"Laway mo. Pakipunasan." Napapahid naman agad ako sa bibig ko. Eh wala naman. Kaya pala tatawa tawa siya. 

May sumundo sa amin na dalawang maids na nakapayong. Pinagbuksan kami ng pinto at pinayungan kami. Ay sosyaleng bata naman ni freak. Kakainggit.

Pagpasok namin ni freak ay may nandoon ang dalawang hilera ng mga maids.

Hinila naman agad ako ni freak. Habang naglalakad kaming dalwa ay nakayuko sila. Grabi din.

"Hoy!" tawag ko. Pero patuloy pa rin siya sa paglalakad.

"What?"

"Ganyan ba lagi dito sa inyo?"

"Hmm. Yes. What's the matter with that?"

"Uhm. Wala naman. I just found it very unusual kasi."

"Unusual? Why?" Tumigil siya sa paglalakad. "Is this your first time na maka-experience ng ganitong klase ng treatment?"

"Uhm. Sort of."

Hindi na siya nagsalita at nagpatuloy na lang maglakad. At ako eto sumusunod lang sa kanya, baka kasi mawala ako, kalawak at napakalaki kasi ng mansion na ito.

Tumigil kami sa may pinto at binuksan yon ni freak.

"This will be your room." Pumasok siya sa loob. "What are you waiting for? Get inside. Pagpasensiyahan mo muna tong guest room, medyo maliit."

Pumasok ako. What the?! Gustong lumuwa ng mata ko. Pucha! Maliit pa ba to? Eh napakalaki na neto eh! Mas malaki pa sa classroom namin!

"G-guest room lang to?"

His eyes narrowed. And place his two arms across his chest. "Bakit? Ayaw mo?"

"H-hindi naman. Masyado lang malaki? Pwede naman ako sa quarter's kasama ng mga maids mo."

Lalong naningkit ang mata niya. "Ganun? Magtigil ka nga. You're my visitor here and you deserve to be treated like a princess." He walks closer to me. "Is that clear?"

"O-oo na!" at lumabas na siya ng kwarto.

You're my visitor here. And you deserve to be treated like a princess.

Princess? Sinabi niya yun? Nakakapanibago. Hindi kasi yan si freak na kilala ko. Hindi kasi yan si freak na kinaiinisan ko.

Kahit papaano din pala, may puso si Sky Tregobouff. 

Kahit papaano din pala, mabait siya.


Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon