Chapter 20

685 32 7
                                    

Pagkatapos akong bilihan ni freak ng kung ano ano at paayusan ay agad niya naman akong hinila papunta sa black mustang niya, susyal. Pero mas trip ko yung silver Porsche niya eh. Simpleng elegante katulad ko. Pagkapasok na pagkapasok ko ay nakita ko yung dalawang naglalakihang teddy bears sa gilid ko. Ang ku-cute nila. Hahawakan ko sana kaso.

"Wag mong hahawakan yan!" Sigaw niya sa akin. Bwiset tong lalaki na to. Kailangan pa talaga niya akong sigawan? Tsss.

"Uhm, freak. Bat ganito mga suot natin? Magdedate lang naman tayo?" Kasi nagtataka talaga ako. Date lang naman tapos ganito? Pwede namang pambahay na lang.

"Date natin, and I want this date to be very special." Sagot niya sakin ng di ako tinitingnan kahit sa rear mirror man lang habang nagdadrive.

Pero kahit ganun siya, kinikilig talaga ako sa mga ginagawa niya. Sa mga simpleng ngiti at tingin niya sa akin, namumula at nag-iinit na agad ang mga pisngi ko.

Ang sarap niyang panoorin, lalo na pag tumatawa at ngumingiti siya, yung mga singkit niyang mga mata parang ngumingiti na din.

Itinigil na niya ang sasakyan kaya napasilip tuloy ako sa bintana. Tumigil kami sa isang botanical garden. Alam ko tong lugar na to eh. Ang ganda kaya ng loob niyan kaya maraming nagpupunta dito para magpakasal at magdate. Ngayon lang ako nakapunta dito kaya na-e-excite na akong pumasok.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinawakan ang kamay ko para alalayan akong bumaba. Gentleman ang mokong! <3

Naglakad kami habang hawak hawak pa rin niya ang kamay ko. Ang init ng kamay niya.

Ng makatapat na kami sa may malaking pintuan ay binitawan niya ang kamay ko at iniwanan ako.

"Uy san ka pupunta?" Tanong ko sa kanya na may halong pagtataka.

Ngumiti lang siya. "Stay here okay? Just stay here." Saka siya umalis. Naiinis ako kasi anong gagawin ko dito sa harap ng pagkalaki at pagkatangkad na pinto na to? Nakakainis, para tuloy akong tanga dito buti na lang walang tao.

Nagulat naman agad ako ng biglang may nagbukas ng malaking pinto sa harap ko. Binuksan ng dalawang lalaki na mga naka-uniform pa na akala mo'y mga royal guards. Napakaganda ng lugar. Para akong nasa kastilyo at may nagaganap na royal ball.

Pero hindi yun talaga ang ikinagulat ko eh. Halos napatanga ako sa mga nakikita ko. Yung mga kaklase namin nandun, pati na mga professors at instructors namin nandun din, mga nakasuit at gown din na nakatayo na tila ay naghihintay sa akin.

Nakita ko din yung mga pinsan ko, si tita tapos si Cassie na mga nakangiti sa akin.

Nandun din ang Skyscrapers at nagsimula ng kumanta si Andrei na may hawak na gitara. Nasa soundbox naman si Rain at nasa bass naman sa bass.

(A/N: Pakihanap ang Isn't She lovely na cover ng glee cast. Isipin niyo na lang na boses yun ni Andrei. Thank you!)

Isn't she lovely

Isn't she wonderful

Isn't she precious

Less than one minute old

Nagsimula na akong maglakad sa gitna. Halos lahat nakatingin sa akin.

I never thought through love we'd be

Making one as lovely as she

But isn't she lovely made from love

Halos lahat nakangiti sa akin. Naluluha naman ako dahil first time tong nangyari sa akin.

Isn't she pretty

Truly the angel's best

Boy, I'm so happy

We have been heaven blessed

Para na tuloy akong tanga habang naglalakad. Para akong naccr dahil pinipigilan kong hindi umiyak.

I can't believe what God has done

Through us he's given life to one

But isn't she lovely made from love

Nakita ko naman si freak na nakangiti sa may unahan, parang mini stage. Lumakad siya papalapit sa akin na may dala dalang isang long stemmed na white rose.

Isn't she lovely

Life and love are the same

Life is Aisha

The meaning of her name

Tumigil siya sa harapan ko at ibinigay sa akin ang rose. Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing..

Londie, it could have not been done

Without you who conceived the one

That's so very lovely made from love.

"Happy 16th birthday Seah." At nagpalakpakan ang lahat. Tumigil na ang pagkanta ni Andrei pero yung tugtog nandun pa rin.

Napangiti naman ako. Birthday ko nga pala. Pero? Pano? Bakit ganito? Kala ko date lang. Sabi ko na nga ba eh kaya pala para akong kinakabahan at nagtataka sa date date na yan. Lalo na sa mga suit namin.

"Nagustuhan mo ba?" Nakangiting sabi niya sa akin sabay wink. Enebe. Kenekeleg eke eh.

Stop winking, baka di ako makapagpigil, dukutin ko na lang bigla ang eyeballs mo. Kyaaaaaaah! Sabi ko sa Isip ko.

Hinawakan niya na ang kamay ko at inihatid sa may unahan pagkatapos ay pinaupo niya na ako at binitawan niya ang kamay ko.

May lumapit naman na staff at iniabot ang mic kay freak. Nabigla ako dahil kumanta siya. Tulad ng kinanta ni Andrei, siya lang nagpatuloy. Binack-up-an naman siya nina JS at Andrei sa pagkanta.

Hindi ko mapigilang ngumiti at mapaluha dahil sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Tama nga ako sa sinabi ko kanina dahil pinaparamdam nila na isa nga akong prinsesa. Lalo na si freak. Ipinaparamdam niyang napakaganda ko, pinaparamdam niyang may halaga ako. Lalo tuloy akong naiiyak sa mga ginagawa niya. Napakatamis. Napakaswerte ko.

Wala man lang akong kaalam alam na may ganitong mangyayari. Ni hindi man lang sinabi sa akin ng tita ko o kahit man lang mga pinsan ko. Tapos tong si Cassie parang ewan, parang walang dila, ni hindi man lang tsinismis sa akin. =___=

Tapos na ang program, sa wakas! medyo masakit na paa ko sa heels ko kakasayaw ng mga kaklase kong lalake pati na sa mga professors at instructors ko. Sinayaw din ako nung nagagwapuhang myembro ng Syscrapers. Nagkakainan na sila kaya lumapit na ako sa table kung san naroon sina tita at Cassie pati na mga pinsan ko. Habang papalapit ako sa kanila, pakiramdam ko talaga namumula na ako sa mga naririnig kong mga compliments na ibinibigay sa akin ng mga taong nadadaanan ko. Puro happy birthday at ang ganda ganda ko daw. Mukha daw akong prinsesa. Nagpasalamat na lang ako dahil yun lang ang kaya kong isukli sa kanila.

"Happy birthday ate sey." Bati sa akin ng mga makukulit at cute kong pinsan.

Umupo na ako katabi nina tita at Cassie.

"Happy birthday seah!" Sabi sa akin ni Cassie sabay beso. Oha! Parang mayaman lang. Hahahaha.

"Happy birthday sey, ang ganda ganda mo ngayon." At saka niyakap ako ng tita ko kaya bumagsak na naman ang mga luha ko. "Seesh. Tama na ang iyak, sayang ang kagandahan mo ngayon pag namugto yang mga mata mo, hala ka." Natawa naman kami. At kumalas sa pagkakayakap niya.

"Salamat dito tita."

Napakunot naman ng noo si tita at bigla namang humagalpak ng tawa si Cassie.

"Salamat san?" Nagtatakang tanong ni tita.

"Dito sa birthday ko." Napangiti naman ako. "Hindi ko akalaing may inipon ka pong pera para dito sa birthday ko." Sabay sundot ko sa tagiliran niya.

Humagalpak na naman ng tawa si Cassie. Natuluyan na bang nasira ang tuktok nito dahil sa break up nila ni Matthew?

"Ano bang pinagsasabi mong bata ka?! Wala tayong ganung kalaking pera para sa ganitong kagarbong birthday celebration." Oo nga naman..

"Si Sky ang nag-organized ng party nito Seah. Siya lahat." Sabi ni Cassie habang nakangiti.

Si Sky? Oh nga pala. Asan yung ulupong na yun? Ni hindi man lang niya ako isinayaw.

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon