Chapter 47

51 23 0
                                    


THIRD PERSON's POV

Inayos ng binatang si Sky ang sarili tulad ng sinabi ni Cloud sa kanya. Hindi rin niya kasi kayang magpakita kay Seah na ganoon ang itsura niya. Habang naglalakad ang binata sa corridor ay tulala ito. Dahil gumugulo pa rin sa isipan niya ang maaari at possibleng mangyari sa mga mahal niya sa buhay pag naghasik na ng kasamaan si Cloud. Gumugulo at bumabagabag pa rin sa loob at isipan niya kung paano at ano ang gagawin niya pag nangyari yung kinakatakutan niya.

"Kaya ko bang iligtas sila? Hindi ko kaya." Wika nito sa sarili sabay untog ng ulo niya sa pader. "Bakit ba ang hina hina ko!?"

Nagtinginan ang lahat ng istudyante na dumadaan sa corridor pero hindi na lang nito pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nakarating ang binata sa classroom nila ng hindi man lang nito tinitingnan ang mga dinaraan niya. Nagdire-diretso ito sa desk niya at tumitig ng saglit sa tabi nito. Sa upuan ng dalaga, dahil nasa cafeteria pa ito. Muli namang sinabunutan ni Sky ang sarili dahil sa gulong-gulo na ito sa pag-iisip kung paano niya ililigtas si Seah sa mga kamay ni Cloud. Lalo na't inutusan na nito ang puso niya na wag ng mahalin si Seah, na wag ng makialam sa dalaga. Pero nangingibabaw pa rin sa kanya yung takot niya na mawala sa kanya ang dalaga kaya naguguluhan ang binata.

Tumayo ang binata at napagdesisyunan na lang na sundan si Seah sa Cafeteria.

"Ibang iba ang mga kinikilos ni Sky ngayon, friend." Wika ni Cassie na nakahalumbaba habang sinisipsip ang softdrinks nito. "Feeling ko talaga, nagseselos yung taong yun."

Halos mabilaukan na naman si Seah sa pagkain dahil sa sinabi ng kaibigan. "Kanino naman? At paano?"

"Ano ka ba. Boplaks ka pa talaga? Malamang kay Cloud. Threatened siguro sa kapatid."

"Baliw ka ba? Di naman siguro. Wala naman siyang dapata ikaselos kay Cloud. Dahil simula't sapul naman na sa kanya na ang puso ko. Kahit nga pinagtatabuyan niya ako palagi. Kahit sinabi pa niyang ayaw na niya akong makita."

"Boplaks din talaga yang si Sky. Sinabi niya yon? Para namang di ka niya makikita araw-araw dito sa RU." Natawa na lamang si Cassie sa kaibigan. "Saka tama yan. Ikaw naman dapat ang magpakita sa kanya ng pagmamahal. Hindi naman yung palagi na lang siya."

Napahalumbaba ang dalaga sa kalungkutan. "Paano ko naman gagawin yun kung hindi na siya yung Sky na mahal ako. Kung lumalayo na siya sa akin." Sinampal nito ang sarili. "Ang baliw baliw ko kasi. Bakit ko kasi siya sinaktan."

"Ano ka ba. Siya pa rin yung Sky na mahal ka." Sabay sipsip ni Cassie sa natitirang laman ng softdrinks niya. "Medyo nabawasan nga lang."

Umub-ob ang dalaga sa mesa. "Hinding-hindi ko siya susukuan."

"Seah."

Napabangon kaagad ang dalaga sa pamilyar na boses na iyon habang nanlaki naman ang mata ni Cassie sa lalaking kaharap niya, kaya napalingon ang dalaga sa likuran niya. At nakita niya sa likuran niya ang binatang si Sky na may malamlam na mga mata.

"S-sky?"

Huminga ng malalim ang binata. "Can you come with me?"

Tumingin naman si Cassie sa kaibigan at sinenyasan. "Pagkakataon mo na yan. Go na!" Mahinang sabi nito.

"Ah e. O-oo naman." Natatarantang sagot nito sa binata.

Nagsimula ng maglakad ang binata samantalang si Seah naman ay hindi pa rin makagalaw sa kinakatayuan nito dahil sa sobrang kaba nito.

"Ano pang tinutunganga mo diyan? Go na!" Saka itinulak ni Cassie ang kaibigan. "Go na!"

Sinundan na rin ni Seah ang binatang si Sky. Lakad lang ng lakad ang binata at siya naman ay sunod lang ng sunod dito kahit hindi niya alam kung saan sila pupunta. Sa loob ng paglalakad na iyon ay wala man lang magtangkang magsalita sa kanilang dalawa hanggang sa makarating ang mga ito sa parking area. Pinagbuksan ni Sky ang dalaga ng pinto ng sasakyan, at ng sumakay na ito ay sinarado ng binata ng maayos ang pinto nito para hindi madisgrasya ang dalaga, saka ito sumakay na rin at naupo sa driver's seat. At nagmaneho na ito ng dahan dahan lang.

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon