Chapter 14

704 34 2
                                    

SKY'SPOV

Nakakaasar. Ilang araw ko ng tinitiis ang hindi siya pansinin. Nagagalit na ako sa sarili ko.

Nung sa P.E class namin at kami magkapartner, ayaw ko na talaga siya pakawalan nun. Sempre lumulugar din naman ako. Hindi ako ang boyfriend, wala akong karapatan. Walang wala. Kaya umiiwas na lang ako sa kanya hangga't kaya ko siyang iwanan.

"Master, dito na po tayo."

"Maganda ba mga uri at kalidad ng gitara dito?"

"Yes master."

Pumasok kami kaagad sa shop para mamili ng gitara. Binili ko yung acoustic guitar na pinakamahal na tinitinda, sempre mayaman ako eh. Complete set na yun, may capo at tuner na rin. Lumabas naman kami kaagad para kumain. Habang kumakain kami may narinig akong magandang kanta. Gusto ko yun ang kantahin ko sa freshmen's party.

"Carlo, patanong mo sa counter o sa waiter kung ano title nung kanta."

"Bakit master?"

Pinaningkitan ko siya. "Tatanong ka pa?!" Bigla naman siya umalis at nagtanong na.

"Master, somebody to you ng the vamps daw."

------

Naghire ako ng tutor para sa paggigitara at isang stage expert para naman matuto akong mag perform ng maayos at magkaroon ng stage presence.

Halos magkandabali ang mga daliri ko sa pagkapa ng chords. Napakahirap sobra pero kakayanin ko para hindi ako mapahiya. Para hindi ako maliitin ng baklang Leonard.

"Master. Mas maganda siguro kung may back up ka. Maghire tayo ng banda." Sabi ni Carlo.

"Yes master. Carlo has a point. Para magmukha kayong cool." Sabi naman ng guitar tutor.

"Mas madadala ang audience pag may banda. May kakilala ako na maaring mag back up sayo."

May punto sila. "Sige bahala kayo."

Tinawagan ng stage expert ang kakilala niyang banda. Maya maya ay nagsidatingan na sila at nag ayos na ng gagamitin nila. Mga may itsura sila pero di hamak na mas at pinakagwapo ako. Habang nag-a-assemble sila ng instruments ay halata sa kanila ang pagkamangha sa mansion ko. Syempre maganda at elegante eh.

"Ano boys? Ready?"

"Yes sir!" Sabay nilang sabi.

"But before that, I want you to meet Master Sky, siya yung baback-up-an niyo. Master, siya si Andrei ang bassist." Itinuro yung puti ang buhok namay black stud earring din. Tsss.Manggagaya. "Si JS ang lead guitarist" Itinuro yung mukang ewan na maagas. "Si Sean ang drummer." Itinuro yung mukhang gangster din. Seriously? Mga dugong british ba mga ito?

Tumango na lang ako. Pagkatapos ay nagsimula na kaming mag practice.

-------

Tsk. Andito na naman ako sa bwiset na room namin. Makikita ko na naman ang dalwang naglalampungan. Tsss. Mag-wa-one week na akong umiiwas kay flat, sana naman magsawa na sila sa pananakit ng damdamin ko. Baka hindi na ako umabot sa freshmen's party pag pinatuloy nila ang pagwasak ng puso ko.

"Bakit iba-iba ata ang seating arrangement niyo ha?" Tanong ng nagme-menopause na teacher namin. "Hala balik! Katitigas ng ulo niyo ah! Magdadalwang buwan na tayo magkakapangharap hindi pa kayo nadadala?!"

Naman oh! Nakakaasar naman. Lalong mapapaaga ang kamatayan ko pag tumabi ako kay flat.

Nagsitayuan na lahat at bumalik sa kanilang orihinal na upuan pero ako hindi. Ayos na sana eh, kung hindi lang lumapit tong kaklase ko na nakipagpalitan ko ng upuan.

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon