(Si Sky, naka sando. Conservative eh. Kaya braso lang nakikita. Hahahaha! Sexy pa rin naman di ba?)
"Ako lang ang may karapatang humawak sa kamay ni Seah. Naiintindihan mo?!"
Napatingin ako kay freak dahil sa sinabi niyang iyon kay Sean. Hindi pa naman kami pero ganon na siya ka-possessive. Aish! Kinikilig ako!
"I'm sorry. I didn't know you're that possessive." Sagot ni Sean na nakikipagtitigan pa rin kay freak. Jusko naman, tigilan mo yan Rain baka balian ka ng buto ni freak.
"Now you know." Naniningkit na talaga lalo ang mata niya. "She's mine, only mine. And I don't want her to be touched by anyone. Are we clear?"
"Tss. What can I do? Okay fine."
Hinila naman ako kaagad palabas ni freak ng hotel. Hindi siya nagsasalita pero ramdam kong galit siya na lalong nagpapangiti sa akin. Ang baliw lang nu? Iba kasi ang galit niya, galit na parang nagseselos.
Hindi ko alam kung san kami pupunta, hila hila lang kasi niya ako. Wala naman akong tinitingnang iba kundi siya na nakatalikod sa akin habang hila hila ako at ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko kaya hindi ko alam kung nasan na kami.
Maya maya ay tumigil siya kaya ayun nabunggo ako sa likod niya.
"Tss. Mag-ingat ka nga. Tingin kasi ng tingin sa iba eh." Sabi niya sa akin na nakapoker face.
"Eh? Masisisi mo ba ako kung sayo lang ako nakatingin at hindi sa dinadaanan natin?" Sabi ko habang nakanguso at hinihimas ang ilong ko. Ngumiti siya. Yung sinserong ngiti. Yes naman! Napangiti ko tong freak na to. Ayeeee.
Yumuko at lumebel siya sa akin. Nakakainis ang pandak ko kase. Tinitigan niya ako, inalis niya yung kamay ko sa ilong ko. Lumapit siya ng konti at kiniss niya yung ilong ko.
"Masakit pa ba?" Sabay wink.
Ngumiti ako, syempre sino ba naman ang hindi mapapangiti sa ginawa ng gwapong freak na to di ba? In fairness, ang bango ng hininga. Ano bang isasagot ko? Wee. Syempre malandi ako kaya ang isasagot ko ay..
"Oo" Sabi ko habang nakapout. Nakunot ang noo niya at lumapit sa akin. Yes! Effective!
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang nakayuko siya para tingnan ako. Naman eh! Ang pandak ko ba talaga? O sadyang matangkad lang siya?
"San?" Sabi niya ng nakapout din. Itinuro ko naman ang lips ko. "Ahee." Napapangiti siya habang umiiling. "Ikaw talaga. Bawal yan." Nakakainis naman eh kaya iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.
Nagulat naman ako nung binuhat niya ako ng pa-bridal style. Napatingin tuloy ako sa paligid ko, lahat ng tao nakatingin sa amin.
"Ibaba mo nga ako."
"Ayoko nga."
"Sabi ng ibaba mo ko eh!"
"Gusto mong bitiwan at ibagsak kita dito sa buhanginan?" Naramdaman kong nagloosen ang pagkakadala niya sa akin kaya napayapos ako sa leeg niya. Narinig ko namang tumawa siya.
"Nakakahiya kasi eh."
"Bat naman nakakahiya?" Nagsimula na siyang lumakad.
"Basta." Isinubsob ko na ang ulo ko sa leeg niya. "Hindi ako sanay ng ganito."
"Edi sanayin mo na ang sarili mo sa ganito."
"Baliw ka talaga." Napatitig ako sa kanya.
Mahal ko na talaga tong taong to. Sobra. Hindi siya nagsasawang ipakita at ipadama kung gaano ako kahalaga sa kanya at sa ibang tao.
Malapit na sky. Malapit na yung araw na pinakahihintay mo para sagutin ang isang bagay na gusto mong marinig sa akin. Malapit na. Malapit ng mapasayo ang puso ko.
"Andito na tayo."
Napatingin naman ako sa paligid ko. Walang tao. Napakatahimik. Napakaganda ng spot na to. Kitang kita mo ang napakalawak na kulay asul na langit, ganun din ang dagat na tahimik.
Ibinaba niya ako. At umupo siya sa buhanginan kaya umupo na rin ako katabi niya.
Napakatahimik, walang nagsasalita saming dalawa. Tinitigan ko siya habang abala ang mga mata niya sa pagtanaw sa langit at dagat. Napakagwapo niya talaga, napakaswerte ko dahil ako yung taong nagustuhan niya. Kung tutuusin napakaperpekto niya para sa akin, parang hindi ako deserving para sa pagmamahal niya. Lalo nat unti-unti ko ng nakikita ang pagkakaiba naming dalwa. Unti-unti ko ng nakikita ang agwat namin sa isa't isa.
Isinandal ko na ang ulo ko sa balikat niya at tumingin sa napakagandang tanawin. Niyakap naman niya ako kaagad.
"Sky."
"Hmmm?"
"Bakit mo ko minahal?" Lalo naman niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Hindi ko alam eh. Basta ang alam ko, ayaw kong mawala ka sa akin dahil napakahalaga mo sa puso ko, sa isip ko at napakahalaga mo sa buhay ko."
Napangiti ako sa sagot niya. Kontento na ako sa sagot ng lalaking ito na mahal na mahal ko.
"Basta Seah, tandaan mo. Ikaw ang pinakamahalaga sa lahat ng mahalaga sa buhay ko. Parte ka na ng sistema ko kaya ayaw kong mawala sa akin. Dahil pag wala ka, kulang ako. Hindi gagana at titibok tong puso ko."
"Pero bakit ako?" Hindi ko mapigilang itanong sa kanya. "Ang layo ko sayo. Mayaman ka samantalang ako." Napabuntong hininga ako. "Parang ang layo mo sa akin. Unti unti ko ng nararamdaman ang insekyuridad. Parang hindi ako bagay sayo. Parang hindi ako nararapat sa pagmamahal mo." Patuloy kong sabi pero siya tahimik lang. Yung yakap niya, lalo niyang hinigpitan.
"Ganun ba?" Ipinatong na niya ang ulo niya sa ulo ko na nakasandal sa balikat niya.
"Nakikita mo ba yang dagat? Saka yang langit?" Tumango ako. "Seah tayong dalawa yan." Napatingin naman ako sa kanya at ganun rin siya sa akin.
"Ako yung langit, ikaw yung dagat. Nasa pangalan na rin nating dalwa yan."
Napangiti ako. Oo nga. Sky at Seah. Langit at Dagat.
"I'm the sky and you're the sea. No matter how far we are from each other, there's still a horizon where we always meet."
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tumitig sa mga mata ko.
"Parang tayo at mga puso natin. Gaano man tayo kalayo sa isa't isa at gaano man kalaki ang agwat nating dalwa. Itong puso mo. " Itinuro niya kung nasan ang puso ko. "At itong puso ko." Itinuro naman niya ang kanyang puso. "Ito pa rin ang gumagawa ng paraan para magkita tayo at magkasama tayo."
Hinaplos niya ang buhok ko pagkatapos ay itinaas niya ang baba ko. Tinitigan niya ako kung saan nakikita ko din sa mata niya ang sobrang pagmamahal niya para sa akin. Unti unti niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Nagtama na ang mga ilong namin, napapatingin pa rin ako sa mapupula niyang labi hanggang sa mapapikit ako dahil sa sensasyong dala ng mainit niyang hininga. Lumapat na ang mga labi niya sa mga labi ko. Napakainit at napalambot ng mga labi niya. Napakainit ng halik niya. Its just a simple kiss but it means a lot to me, its like everything to me.
"I love you." Sambit niya sa akin at niyakap ako uli.
I love you too Sky. I love you. I love you.THIRDPERSON'SPOV
Nagkakasiyahan ang apat habang naliligo sa dagat. Pero nabalot agad ito ng pangamba dahil napaupo ang dalaga na hawak hawak ang mga paa niya.
"CASSIE!" sigaw ni Andrei kay Cassie. Naglapitan naman kaagad ang tatlo sa dalaga.
"Anong nangyari sayo?!" alalang tanong ni JS na bakas ang pag-alala sa dalaga.
"N-nakaapak a-ako ng sea urchin." Naiiyak na sabi ng dalaga.
Binuhat naman agad ni Sean si Cassie na ikinabigla ng dalaga. Napatitig tuloy ang dalaga kay Rain.
"Careless lady." Iritadong sambit ni Sean. Dinala nito ang dalaga sa may upuan at tumawag ng doctor.
Lumapit naman si Andrei at umupo sa tabi ng dalaga.
"Are you okay?" Starts caressing Cassie's back. The lady just nodded.
"We won't leave you here alone." Sabi naman ni Js na nakangiti.
JuiceColoured! Ang sarap makaapak ng sea urchin dahil tatlong naggagwapuhang lalaki na may delicious abs ang nag-aalala sa akin.
Malandi talaga tong si Cassie pero anyway, dumating naman kaagad ang resident doctor ng isla para tignan ang paa ni Cassie. Naalis naman kaagad yung tinik na bumaon sa paa niya kaya umalis na din kaagad ang doktor.
"Ano? Okay ka na?" Tanong ni Sean. Tumango naman ang dalaga.
"Do you want something? Ikukuha kita." Alok ni JS. Umiling naman ang dalaga.
"Really?" Sabat naman ni Andrei.
"Oo." Sabi ng dalaga na pilit tumatayo at maglakad pero natumba siya na nasalo naman kaagad ni Andrei.
"Oh! Careful."
"Tsk." Hinila naman ni Sean si Cassie para paupuin ng ayos. "Napakacareless mo talaga eh ano?" Naiinis na sabi ni Sean.
"Tama na yan, nasugatan na nga yung tao eh." Umupo naman kaagad si Js sa harapan ni Cassie. "You want a piggy back ride?" Tanong nito sa dalaga. Tumango naman ang dalaga. "Come on, I'll carry you around."
Nung papalapit na sana si Cassie ay nagulat siya dahil sa dalawang lalaki na katabi niya.
"NO!" Sabay na sabi nina Andrei at Rain na parehong nakahawak sa kamay ni Cassie.Oh sheyt naman! Napakaganda ko na ba talaga? Ahihihi.
"Ano ba kayo! Para kayong sira!" Sigaw ni Cassie sa dalawa. Pero deep inside kinikilig siya. Pag-agawan ba naman di ba?
"Tara na nga JS." Dumila naman si Js sa dalawa. "Loser" He mouthed.
Dinala naman kaagad ni JS si Cassie sa may clubhouse.SEAH'S POV
Umuwi na kami ni sky papuntang hotel ng nakita namin ang apat sa may clubhouse malapit lang sa may dagat. Kakaiba yung ginagawa nila eh? Parang dinudulutan nila yung bruha.
"Anong meron?" Tanong ni freak.
"Hindi ko alam?"
"Lapitan nga natin." Sabi niya kaya ayun nilapitan namin ang apat na halatang nagulat sa amin.
"Oh! Sey! Mukhang blooming ka ata?" Langyang bruha ito oh! Lahat na nakikita sa akin.
"Ikaw nga diyan! Anong meron?! Manliligaw mo na ba yang tatlong yan?!" Namula naman siya kaagad pati na rin ang tatlo. Ahe! Ganti ganti lang yan!
"Ah eh?" Nalilitong sagot ng bruha.
"Ano?! Manliligaw mo nga ba?!"
"Pwede ba Seah?" Nagulat ako sa tanong ni Andrei.
"Oo nga, pwede ba?" Sabay na tanong naman nina Js at Sean.
Kumunot naman ang noo ko tapos ay tiningnan si Cassie. Hanglangya! Pumuputok sa pula ang pisngi ng bruha?!
"ANONG PINAGSASABI NIYONG PWEDE?" Sigaw ko. High blood ako eh.
"Pwedeng ligawan si Cassie?" Sabay na tanong ng tatlo.
Nagkatinginan naman kami ni freak at ngumiti sa isa't isa saka lumapit kay bruha para kalabitin siya.
"Uy dalaga na siya......" Sabay hagalpak namin ng tawa.(A/N: Is Cassie dating the Skyscrapers? )
BINABASA MO ANG
Clawed Hearts
WerewolfSky Tregobouff is one of those living proofs that werewolves still exist. Sky is the one and only heir of King Gregory's crown and power. His family belongs to the Purebloods and they are an Alpha: The most important and most powerful werewolf in th...