Chapter 52

57 8 0
                                        

CLOUD'S POV

Tinitigan ko ang mga kamay ko. Kating kati na sila na patayin ang mga taong kinaiinisan ko. Kating kati na silang makaramdam ng mainit na dugo mula sa mga taong gusto kong patayin at isa na dun ang magaling kong kapatid, lalong lalo na ang aking ama. Pwe. Kapatid? Ama? Tangna. Nangingilabot at nandidiri talaga ako sa tuwing sasambitin ko ang mga salitang iyon. Hanggang kailan ko pa ba titiisin ito? Gustong gusto ko ng mawala sila sa buhay ko. Kailangan ko ng gumanti. Kailangan na nilang pagbayaran ang mga utang nila sa akin.

Bumangon na ako sa magara at malaki kong kama nung maramdaman kong may pumatak na dugo mula sa labi ko, saka dumiretso sa banyo para tingnan ang sarili ko sa salamin. Tama nga ako, naging ginto na naman ang mga mata ko sa galit pati ang mga pangil ko nagsilabasan. Binuksan ko ang gripo ng lababo saka inihilamos ang tubig na umaagos mula dito. Ipinikit ko lang ang mga mata ko pero pagdilat ko nawala na din kaagad ang gintong mata ko pati ang mga pangil ko. Hindi pa sana ako lalabas sa banyo, pero tumunog ang aking cellphone, kaya lumabas na rin ako para tingnan ito.

Pinindot ko ito, saka ko nakita ang note na lumabas sa screen ng cellphone ko. Ikinatuwa ko ito dahil dumating na ang araw na pinaka-inaasam ko. Ang araw kung saan sisimulan ko na ang lahat ng plano ko para mapabagsak si Sky, si Rain, Si Gregory at ang lahat ng mga lobong tumitingala sa kanila. "Ow. Its our date today. Hmmmm."

Naligo agad ako at nagbihis ng ayos na alam kong magpapaangat ng aking kagwapuhan. Na kahit yang Seah Alonzo na yan, mapahuhumaling ko. At hindi ako papayag na hindi siya mapapasaakin. Dahil kung anong gusto ko, nakukuha ko. At isa ka Seah sa mga makukuha ko. Tandaan mo yan.

THIRD PERSON's POV

Dumating ang dalagang si Seah sa mall ng maaga tulad ng napagkasunduan nila ni Cloud. Maganda ang dalaga sa araw na yun, dahil hindi pumayag ang kaibigan niyang si Cassie na hindi mag-aayos sa date nila ng binatang si Cloud. Iba talaga ang kagandahan niyang taglay, nangingibabaw at lalong nakatulong ang pag-aayos ng kaibigan niya sa kanya para ilabas pa lalo ang kanyang angking kagandahan.

Ngunit wala pa roon ang binatang si Cloud, kaya umupo na muna ito malapit sa fountain para doon na lang maghintay sa binata. Halos trenta minutos na rin ang nakakalipas ng simulang maghintay ang dalaga sa binata, at dahil sa naiinip na ito ay tumayo na ito at naglakad-lakad palibot sa loob ng mall hanggang sa nakita niya si Cloud na may bitbit bitbit na bulaklak at naglalakad ng mabilis patungo sa direksiyon niya. Ngumiti ito sa kanya ng matamis na siya namang ginantihan din niya ng isang matamis na ngiti.

Lumapit sa dalaga ang binata saka iniabot ang bulaklak na bitbit niya. "I'm sorry if I'm late. May inasikaso pa kasi ako sa University."

Kinuha ng dalaga ang bulaklak at ngumiti muli sa binata. "S-salamat dito. Uhm, o-okay lang yun."

"So, tayo na?" Nakangiting sabi ng binata habang nakahawak sa likod ng dalaga. Medyo naiilang ang dalaga sa kilos na iyon ng binata dahil hindi talaga ito komportable na kasama ito. "You know what, I'm really excited to see you today, hindi nga ako makatulog kagabi sa sobrang excited ko. And I'm very thankful cause you're now here with me."

"Uhm. W-why here?" Naiilang na tanong ng dalaga na halatang di na talaga komportable.

"Hmmm. What?" Nakangiti pa ring tanong ng binata sa dalaga. "You mean, why here in the mall?"

Sumang-ayon agad ang dalaga na hindi makatingin ng ayos sa binata. "Y-yes."

Natawa ang binata dahil napansin nitong di makatingin ang dalaga sa kanya, isama mo pa ang panginginig ng boses nito. "Hey, relax. I don't bite. I just kill." Pagbibiro nito sa dalaga.

Kaso natigilan ang dalaga sa birong iyon ng binata. "W-what?"

Humagalpak ng tawa ang binata sa reaksyon ng dalaga. "Hey. Relax. Its only a joke." Napahawak pa ng tiyan ang binata sa sobrang pagtawa. "Look. I'm harmless."

Clawed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon